^

PSN Showbiz

Catriona naghahanap ng penpal!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Catriona naghahanap ng penpal!
Catriona

Walang dyowa...

Wow, inside and out, nakakabilib ang ginagawang kabutihan ng ating reigning Ms. Universe Catriona Gray. Makikita sa kanyang Instagram na sumasagot siya ng “fan mails” na idinaan sa pamamagitan ng post office o koreo. “Hey beautiful people!  spent some time at the @missuniverse headquarters today and replied to some of your fan mail and sent out some goodies! I love being able to connect with you this way - there’s something so special about receiving and sending hand written letters! Also saw my stamp used for the first time which was surreal!  

“Penpals anyone?,” caption ni Ms. U Catriona. (Single si Catriona to date matapos nga raw mag-split sila ng boyfriend Clint Bondad na nakita umanong may ibang kahalikan na sa bar na itinanggi naman ng baguhang actor.)

 Oo nga. Bibihira na ang mga sikat na personalities advocating letter writing.

Arte-artehan na ngayon at lahat ay feeling high tech na dinadaan na lang sa email, viber, direct messages and other electronic messengers ang communication.

Eh ang ating Miss U, back to basic, letter writing.

Kahit sa eskuwelahan ngayon, ini-encourage nang mag-computer ang maraming estudyante. So paano pa sila gagaling magsulat pag ganun?

Anyway, tampok nga sa kanyang selyo ang dalawang winning moments  ni Queen Catriona matapos na siya ay koronahan bilang Miss Universe noong 2018 ayon sa college friend kong taga-PHLPost na si Alvin Fidelson. Mabibili raw ang mga commemorative stamp sa halagang P12 habang ang special stamp ay pinaganda sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘glitters’ sa korona at  ‘lava gown’ ng selyo sa halagang P55 bawat isa. Si PHLPost Graphic Artist Rodine Teodoro ang nag-disenyo ng selyo ni Catriona ayon pa kay Alvin. 

Nauna nang naglabas  ang PHLPost ng mga special stamps para naman parangalan ang mga nagwagi ng Miss Universe na sina Gloria Diaz, Margarita Moran at Pia Wurtzbach noong 2017.

vuukle comment

CATRIONA GRAY.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with