^

PSN Showbiz

John Lloyd at Ellen nagkakalabuan na?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd at Ellen nagkakalabuan na?!
John Lloyd at Ellen

Pagbabalik showbiz inayawan na ng ABS-CBN

Pinag-uusapan pa lang ang pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd Cruz, naiintriga na.

May nagkuwento sa aming meron daw nagpaparating ng mensahe sa ABS-CBN na gusto nang bumalik ni John Lloyd. Ang problema, ipinarating din daw ng taga-Kapamilya network ang kanilang sagot na hindi na sila interesado.

Totoo kaya ito?

Kaya ba nasabi minsan ni Kuya Boy Abunda sa programa niyang Tonight with Boy Abunda na hindi pa tiyak itong isyung pagbabalik ng dating Kapamilya drama actor?

Hiningan kasi ng opinyon si Kuya Boy tungkol sa isyung yan, at ang sabi  niya, “Sa akin lamang po ito, hindi ito sigurado. But since you are asking me I will give you a straight answer, sa palagay ko hindi.”

Dagdag pang pahayag ng King of Talk; “Pero John Lloyd will always have a special place in the industry because of his massive talent.”

Ang daming netizens ang nag-react sa pahayag ni Kuya Boy pero maaring may basehan siya roon kaya niya nasabi yan.

Hindi kaya alam niya ang buong kuwento?

Pero sa ngayon ay abala si John Lloyd sa pag-iikot sa iba’t ibang probinsya.

Nung nakaraang Holy Week ay nakita siya sa Cagayan, tumuloy ng Lanao del Norte at ang huli nasa isang magandang resort siya sa Bukidnon.

Ang simple lang ng dating Kapamilya drama actor, nakatsinelas at naka-shorts, mala-ermitanyo ang look pero pinagkakaguluhan pa rin ng fans at pinagbibigyan naman niya ang gustong magpalitrato sa kanya.

Pero marami naman ang nagtataka bakit wala si Ellen Adarna?

Hindi raw kaya totoo ang isa pang kumakalat na intrigang nagkakalabuan silang dalawa?

Hindi na raw sila madalas na magkasamang lumalabas, kaya nagpapagdudahang nagkakaproblema.

Alden suportado ng mga  kaibigan sa binuksang fast food

Dumating na si Alden Richards nung nakaraang Martes, April 23 galing Hong Kong, at kahapon ay pina-bless na ni Alden ang McDonalds outlet niya sa Binan, Laguna.

Ilang pulitiko sa Laguna ang dumalo at kumpleto ang pamilya ni Alden para sumuporta sa kanya.

Present din ang mga Kapuso stars at executives kaya naman tuwang-tuwa ang Pambansang Bae.

Ilan sa Kapuso friends niya na kasamahan dati sa Tween hearts na dumalo ay sina Winwyn Marquez, Joyce Ching, Rodjun Cruz, Bea Binene, at Kristoffer Martin. Dumalo rin ang mga GMA Executives na sina Ms. Lilybeth G. Rasonable, Redgie Magno at Gigi Santiago-Lara.

As of presstime, may ginaganap pang misa at sa Biyernes, April 26 pa raw ang grand opening.

Hindi pa ako nasagot ng kampo ni Alden kung sino ang magka-cut ng ribbon sa grand opening nito.

Kasama kaya roon si Maine Mendoza?

Jasmine napatili sa usapang pulitika

Tuwang-tuwa si Jasmine Curtis-Smith dahil nakatulong naman siya sa soft opening ng bagong boutique hotel na itinayo nila ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa La Union.

Ganun naman daw silang magkasintahan kung magsuportahan.

All-out din naman daw ang suporta ni Jeff sa kanyang acting career.

Pero napatili ng slight si Jasmine nang tinanong namin kung sakaling pasukin ni Jeff ang pulitika, todo rin kaya ang suporta niya?

Kilala naman kasing pamilya ng pulitiko ang kasintahan kaya baka papasukin na rin nito at tumakbo sa La Union. Napangiti si Jasmine na parang hindi pa matanggap na magiging pulitiko ang boyfriend.

Sabi lang niya; “If that’s his calling, then support. The same way calling ko to act, I need his support there.”

Thankful din naman si Jasmine na suportado ng boyfriend ang pelikula niyang Maledicto na magsu-showing na sa May 1.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with