Nay Lolit, Nay Cristy & Lani
Lani hindi napiga sa engagement ni Jolo sa beauty queen
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Ayaw i-confirm ni Mayor Lani Mercado ang isyung engaged na si Jolo Revilla sa girlfriend niyang former beauty queen na si Angelica Alita na kasama nila sa family bonding noong nakaraang Holy Week sa Boracay.

Kumalat kasi ang kuwentong inalok na ng kasal ng pulitikong aktor ang girlfriend na hindi masyadong familiar kay Nay Lolit Solis nang banggitin ang pangalan. ‘Di niya raw ito kilala. Pero si Nay Cristy Fermin ay kilala na ang naging kapalit ni Jodi Sta. Maria kay Jolo.

Napigilan lang, pero halos ibuko-buko rin ni Nay Lolit ang mga nakaraan ni former Sen. Bong sa mga naging babae nito. Paulit-ulit niya talagang sinasabi habang kausap nila si Mayor Lani na hindi makukuha si Bong ng mga ‘magnanakaw’ (na babae o kabit).

Si Mayor Lani ang naging guest kahapon sa ika-10th episode ng Take It... Per Minute na medyo nagkaroon ng signal interuption kaya kailangan naming mag-cut sandali para ma-restart ang signal.

At nang bumalik sa ere ang programa, pinag-usapan na nila ang patutsada ng ibang kampo na ang mga beteranang talkshow hosts ang pinariringgan ni Coco Martin sa ginawa niyang pagsagot sa mga isyung kinakapit sa aktor particular na ang tungkol kay Julia Montes (without mentioning her name) na diumano’y nanganak na though walang nagkukumpirma.

Ayon kay Nay Cristy sinabi sa kanya ng talent manager na si tita Dolor Guevarra na hindi galit si Coco sa kanilang dalawa at hindi sila ang pinatatamaan nito.

Pinag-usapan din nila sandali ang dialogue ni Kris Aquino nang maramdaman niyang lumilindol habang ini-interview nung Lunes ng hapon. “It’s the end of the world na, I’m telling you. Buti na lang binili ko lahat ng Chanel na gusto ko bilhin. Buwisit, ang laki pa ng tax na binayaran ko!” sabi niya sa kumalat na interview na in all fairness ay kuhang-kuha ni Nay Cristy. Kasama niya sa nasabing presscon ang misis ni Sen. Bam Aquino na si Ms. Timi.

Anyway, ang bilis lang ng panahon, pero naka-sampung episode na pala ang Take It... Per Minute na kasama sa mga karamihan sa mga nanonood ay ang mga kababayan nating nasa ibang bansa na naghihintay pa ng oras para sumaya sa mga no hold barred opinion nina Nay Cristy and Nay Lolit. Gustung-gusto nilang magpa-shout out. Sadly, kapos nga lang sa oras kaya hindi lahat ay napagbibigyan. At kontrobersyal na rin ang programa.

Sa mga hindi pa nakaka-like or follow, mapapanood ang Take It... Per Minute every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m. sa Pilipino Star NGAYON Facebook Page.

TNT concert may pagbabago

Oh may pagbabago sa petsa ng US concert tour ng TNT Boys. Kahapon ay may natanggap akong statement sa email from ABS-CBN. “Due to unforeseen circumstances beyond our control, the TNT Boys Listen tour leg at the Chabot College in Hayward, California scheduled for April 23, 2019 will be rescheduled to May 2, 2019.

“All tickets for the April 23, 2019 show will still be valid and transferable to the rescheduled concert date. 

“For those unable to attend on the rescheduled date, refunds will be made available at the original point of purchase on or before May 2, 2019.  Please visit MYTFC.com/TNT-Boys-hayward-ca for more info.

“The Los Angeles leg on April 25 and Edmonton leg on April 27 are still on schedule.

“We sincerely apologize for any inconvenience this change has caused. The TNT Boys are committed to giving their best at every show. We still hope to see you on May 2 at the Chabot College, Hayward California.”

Pangalan ni Xander pinamimigay na sa iba

Natawa ako sa post ng management group ni Xander Ford na naghahanap sila ng bagong bibigyan ng pangalan. Hehehe.

Dahil nga raw sa attitude problem kaya sinabi nila na babawiin na nila ang pangalan na sa totoong buhay ay si Marlou Arizala.

Grabe meron palang ganung issue samantalang wala akong narinig na nagka-project ito.

Sen. Kiko and Sharon 'di nag-uusap sa pulitika

Hindi pala pinag-uusapan nina Sen. Kiko Pa­ngilinan and Sharon Cuneta ang pulitika.

Kaya nang tanungin ang senador kung may awkward factor ba na makikita si Sharon na pumupunta sa Malacañang tapos ilang araw lang ay binabatikos siya ni Pangulong Duterte, ayon sa senador kanya-kanya man pero andun pa rin ang pagiging pamilya nila.

Identified si Sen. Kiko sa opposition party habang si Ms. Shawie naman na bida sa pelikulang Kuwaresma ay open ang admiration kay Pres. Digong.

LANI MERCADO TNT BOYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with