Yen at Yam
Yam hindi maituring na kaibigan si Yen!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Kahit ilang buwang magkasama sa teleseryeng Halik sina Yam Concepcion at Yen Santos ay hindi pala naging magkaibigan dalawa. Ayon kay Yam ay wala namang problema sa pagitan nila ng aktres kahit napabalitang nag-unfollow umano sa Instagram ang isa’t isa. “Hindi kami magkaaway, Tito Boy. Okay kami ni Yen. Kasi wala naman na siyang pina-follow sa Instagram niya eh. She kind of deactivated her Instagram,” bungad ni Yam.

Hindi raw maituturing na ‘kaibigan’ ng dalaga si Yen dahil malalim ang kahulugan ng salitang ito. “We’re acquaintance siguro. Ibang unit (sa taping) kasi siya. I don’t want to be plastic kasi. I want to be real as possible. Sa ginagalawan nating industriya, you’re always on the safe side. You’re gonna say what people want to hear. Huwag na ‘yung gano’n. Kasi sa akin ang meaning ng friend, someone you can trust, someone you can talk to. ‘Yung nakakasama mo talaga, ‘yon ang kaibigan,” makahulugang pahayag ng aktres.

Sa Biyernes ay magtatapos na ang nasabing serye at masaya si Yam dahil nagkaroon siya ng isang matalik na kaibigan sa trabaho. “I think sa trabaho ang nahanap ko na kaibigan ay si Niña Dolino. Talagang alam niya ‘yung personal life ko, and I trust her. It’s nice na nakahanap ka nang gano’n. I hope sana nagkaro’n din kami ng time ni Yen, nakapag-usap kami, ganyan,” pagtatapos niya.

Bugoy aktibo na uli

Aktibo nang muli si Bugoy Cariño sa show business. Magbibida ang aktor sa pelikulang Sa Mga Sulok Ng Pangarap na gagawin ni Ronald Rafer. Ayon sa direktor ay talagang napili niyang magbida si Bugoy sa proyekto dahil sa pagiging magaling na aktor nito. “Magaling na artista si Bugoy at patunay diyan ang mga napanalunan niyang awards noon,” giit ni direk Ronald.

Naramdaman umano ng direktor na kabado si Bugoy ngayon sa pagbabalik ng aktor sa pag-arte sa harap ng ka­mera. “Halatang kabado nga si Bugoy during our story conference pero sabi ko sa kanya, relax lang at hindi siya dapat kabahan. Bago matapos ang storycon, naging at ease na rin naman siya,” kuwento ng direktor.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkakatanggal ni Bugoy sa grupong Hashtags ng It’s Showtime noong isang taon. Napabalita kasing nakabuntis diumano ang dating child star ng isang sikat na volleyball player.

Para kay direk Ronald ay kinakailangang bigyan ng pagkakataon na muling makapagtrabaho ang isang katulad ni Bugoy. “Lahat naman ng tao ay maaaring mapaliko ng landas sa buhay, pero may karapatan ang lahat na magbago, magsisi at bumangong muli,” makahulugang pagtatapos niya. (Reports from JCC)

YAM CONCEPCION YEN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with