Sharon
Sharon umamin sa pagiging housemate na lang nila ni Sen. Kiko
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Ang good vibes ng media conference ng pelikulang Kuwaresma nina Sharon Cuneta sa Reality Films dahil pawang papuri ang mga pahayag nila sa isa’t isa.

Kagaya ni John Arcilla na isang Sharon Cuneta fan pala at kabisado ang mga kanta ng Megastar.

Tuwang-tuwa ngang kinukuwento ni Sharon na isiningit pa raw ni John sa schedule niya ang manood sa concert niya sa LA, California.

Kaya nung nagsama sila rito sa Kuwaresma, ang gaan daw sa set lalo na’t napaka-efficient daw ng lahat na staff ng Reality Films na pinangunahan ng movie producer na si Dondon Monteverde at direk Erik Matti.

Matagal na raw gustong gumawa ni Sharon ng isang horror film, at tamang-tama raw ang pagdating nitong Kuwaresma dahil nabakante ang schedule niya at gustung-gusto raw niya ang material.

Pagkatapos daw nilang mag-meeting nina Dondon at direk Erik, kaagad na pinadala sa kanya ang script, at nung napag-usapan na ang schedule, nag-swak lahat.

“Sinunggaban ko agad. It was my chance. Parang everything gave way na kung saan sila puwede yun yung blangko sa calendar ko,” pakli ng megastar.

Ang maganda pa raw nang sinimulan niya ang Kuwaresma, armado siya at punung-puno raw siya ng emosyon, kaya ang daming pinaghugutan.

Natawa na lang si Sharon nang tinanong namin kung saan siya humugot sa eksenang sinabihan niya si John na gumaganap na asawa niya ng linyang “gusto ko nang mamatay ka!”

Ang lalim nang pinanggalingan niya nang binitawan din ang linyang “Akala niyo mahina kami.”

Sa May 15 kasi ang showing nito, na isang horror film sa Mother’s Day kaya para raw sa mga kababaihan ang pelikulang ito.“That’s my stand for all the women,” napapangiti niyang pahayag.

Kakaibang movie naman daw ito para sa Mother’s day. “The mother is an important factor in saving the day. That’s why it’s really a mother’s film kahit horror,” pahayag ni Sharon.

Nilinaw na rin namin doon kay Sharon ang ipinost niya sa kanyang Instagram account na tinawag niyang ‘neighbor’ ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan.

Kuha iyun sa nakaraang bakasyon nila sa South Korea na kung saan kasama naman niya si Sen. Kiko.

Bakit nga ba neighbor ang tawag niya sa kanyang asawa?

“Neighbor ko yung asawa ko. Sabi ko sa kanya ‘goodnight neighbor’ kasi katabi ko siya. Tapos sasagot siya ‘love thy neighbor’.

“Oo, housemate ko siya,” natatawa niyang pahayag.

Naintriga uli kami sa tawag niyang ‘housemate’. Kaya sinundan namin ng tanong na baka ma-misinterpret lang ito ng iba. “Hayaan mo na sila kung gusto nilang i-interpret ng iba.

“Alam mo people would believe what they want. So, let them. Basta kami, magkasama pa kami. Masaya naman ang mga bata, okay kami. Magti-23 years na kami,” makahulugang pahayag ni Sharon.

Hindi naman daw nawawala ang mga ‘kuwaresma’ sa buhay niya, at nalalagpasan naman niya.

“Wala namang tigil ang mga yan.

“Lahat ng horror na naisip, lahat na mga demonyong nagdaan.

“Pero madali akong humugot eh, mga sad song lang naiyak na ako,” sagot na lang ni Sharon sa amin.

Sa May 15 na ang showing ng Kuwaresma at all-out ang suporta ng Megastar sa promo ng naturang pelikula.

Bago ang araw ng showing, may iba-iba pang trailer na lalabas. Pinasilip nga sa amin ang magnified trailer nito at kinilabutan kami.

Kilalang director na hindi marunong tumanggap ng pintas, malalim ang hugot sa komedyante

Hindi yata marunong tumanggap ang  kilalang direktor ng constructive criticisms, dahil talagang dinidibdib niya pala ang mga ‘di magagandang komento sa mga ginagawa niyang show.

Minsan daw ay nabasa niya ang di gaanong magandang komento ng isang komedyante sa Facebook account, tumalak daw itong si direk.

Sinagot daw nito ang komento ni komedyante na ‘di niya nataypan.

Nag-sorry naman si komedyante sa kanya, pero hindi pa rin nakalimot si direk.

Nagbitaw daw ito ng pahayag na never daw niya kukunin si komedyante sa shows niya.

Minsan ay napadaan daw si direk sa studio na kung saan may nagti-taping doon ng isang weekly variety show.

Nasilip daw niya ang taping at nakita niyang guest ang kinairitahang komedyante.

Nag-dialogue daw itong ‘walang kakuwenta-kuwenta’ ang guest ng show na iyun.

Narinig daw mismo ni komedyante, pero hindi na niya pinatulan.

Tumahimik na lang siya dahil wala naman daw siyang balak na makipagtarayan kay direk.

Eh ang tagal palang mag-move on ni direk. Lagi raw niya itong kinukuwento sa ilang direktor at production staff, at pawang kanegahan ang sinasabi laban kay komedyante.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with