Mikey
Singer na si Mikey Bustos nag-out na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

SEEN: Alas onse nang umaga ang imbitasyon ng Reality Entertainment sa grand presscon kahapon ng Kuwaresma at dumating si Sharon Cuneta ng 1:30 pm. Si Sharon ang bida sa Kuwaresma at ito ang unang horror movie niya. Ang pelikula ang Mother’s Day presentation ng Reality Entertainment Inc. Si John Arcilla ang leading man ni Sharon at abusive husband ang role niya.

SCENE: Introducing sa Kuwaresma ang magkapatid na Pam at Kent Gonzales. Walang acting experience ang Gonzales siblings pero hindi sila nagpakita ng kaba sa kanilang mga eksena at hindi na-intimidate sa mga senior co-star nila. Ito naman ang comeback movie ng former child actress na si Guila Alvarez. Ayaw nang umarte ni Guila pero hindi siya nakatanggi sa pangungulit ng director na si Erik Matti.

SEEN: Pinangunahan ni Vice Ganda ang pag-aalay kahapon sa It’s Showtime ng dasal para sa mga kababa­yan natin na naapektuhan ng malakas na lindol sa Visayas.

SCENE: Lumindol kahapon sa Bicol at sa ilang bahagi ng Visayas matapos ang malakas na lindol sa Luzon noong Lunes. Huwag mag-panic at maging handa ang payo ng mga showbiz personality sa mga natakot sa malakas na pagyanig noong Lunes.

SEEN: Ang “coming out” statement ng comedian/singer na si Mikey Bustos na hindi nakaka­gulat ang pag-amin na member siya ng LGBTQ community at matagal na ang relasyon nila ng kanyang manager na si RJ Garcia.

“Life is sweet!Thank you for the outpouring of love, guys.  @Appleboyrj and I see all your messages and never in our wildest dreams would have imagined the amount of support coming in from all corners of cyberspace, media, and the world!

“Figuring out how to navigate life in the most authentic and positive way has been such a long +37 yr. journey for me, and at this moment, I feel I’ve reached some kind of karmic jackpot! It’s 2019 (as my dad put it when I came out to him a few weeks ago), and a great time to be alive LGBT. “

MIKEY BUSTOS SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with