The Big One pinagdarasal na ‘wag mangyari!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Halos 50 na ang bilang ng mga namatay sa mga road accident noong Holy Week. Noong Lunes naman, lumindol nang malakas sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsiya.

Sa pagkakaalam ko, may every Sunday prayer para huwag mangyari ang “The Big One” ang sinasabi na Magnitude 8 earthquake na hinuhulaan na baka tumama sa Luzon.

So scary kaya dapat talaga na magdasal ang lahat, hilingin kay God na huwag niya payagan na mangyari sa bansa natin ang malakas na lindol.

Prayers can move mountains, at kung sabay-sabay tayo na magdarasal sa kanya, tiyak na pagbibigyan niya tayo.

Kapag may lindol, mas stable pa rin kapag nasa lugar na mababa kesa sa mataas na lugar. Parang equation of life lang, the higher you are, mas malakas ang bagsak kaya dapat manatili na mapagkumbaba.

Humility is one virtue in life na talagang mas makakatulong sa iyo. God, please make us safe, protect us. We offer our life to you.

Head security ng GMA-7 anak ang turing kay Dingdong

Hindi kataka-taka na napaiyak si Dingdong Dantes sa presscon ng renewal ng kanyang exclusive contract sa GMA Network Inc.

Twenty one years na siya na talent ng GMA-7 at mula sa pagiging teener, nagbinata at nakilala niya sa Kapuso Network ang kanyang misis na si Marian Rivera.

Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Zia at Ziggy at ngayon, pinili pa rin ni Dingdong na manatili sa GMA-7.

Nakita at nasubaybayan natin ang progress ni Dingdong bilang teen star hanggang maging A-list actor siya sa Philippine entertainment industry.

Pati nga ang head ng security ng GMA-7, kilalang-kilala si Dingdong na itinuturing ito na parang tunay na anak.

Si Kuya Guard ang isa sa mga nagbigay ng welcome message para kay Dingdong kaya touched na touched ito. Si Kuya Guard ang madalas na kasama ni Dingdong sa mga regional show ng GMA-7.

Punong-puno ng pasasalamat sa lahat ang puso ni Dingdong at puno ng pagmamahal ang kanyang mensahe.

Ipinakita rin ni Dingdong ang loyalty niya sa kanyang mother studio, ang virtue ng isang Dingdong Dantes.

GMA-7’s precious son will always be where he belong, thank you Dingdong and his manager Perry Lansigan dahil nanatili kayo kung saan tunay na mahal kayo, at patuloy n’yo rin na mamahalin.

Pag-rescue nina Mark at Lito kinukulayan ng pulitika!

Ang Porac ang isa sa mga bayan sa Pampanga na naapektuhan ng malakas na lindol noong Lunes, April 22, 2019.

Kilala ang Porac bilang balwarte ni Lito Lapid na mabilis na rumesponde, kasama ang kanyang anak na si Mark Lapid, para tulungan ang kanilang mga kababayan na natabunan ng gumuho na supermarket.

Kumakandidato si Lito na senador at tumatakbo si Mark na mayor ng Porac pero hindi dapat bigyan ng kulay pulitika ang pagtulong nila sa mga biktima.

May kalamidad man o wala, dati nang tumutulong ang mag-ama sa kanilang mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap.

Ipagdasal natin ang mga biktima ng malakas na lindol at sana, huwag ito ang maging dahilan para mag-alburoto na naman ang Mount Pinatubo tulad ng nangyari noong June 15, 1991.

Pumutok ang Mount Pinatubo, halos isang taon matapos lumindol nang malakas sa Central Luzon noong July 16, 1990.

DINGDONG DANTES MARK AND LITO LAPID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with