Fans ni Sharon aligaga na sa kuwaresma!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Ano kaya ang meron sa Kuwaresma at tinanggap ni Sharon Cuneta ang horror film na dinirek ni Erik Matti?

Posibleng ang kakaibang kwento ng Kuwaresma ang nakaintriga sa Megastar kaya niya ito tinanggap. Unang horror film ito ni Sharon at interesting malaman ang unang pagsasama nila sa pelikula ni Direk Erik Matti na kilala sa paggawa ng mga kagulat-gulat na pelikula.

Hindi lang sa mga horror scene sumabak si Sharon kundi pati rin sa mga dramatic highlights. Kuwaresma is more than a horror film. Isang matinding family drama rin daw ito.

Si Katski Flores ang writer ng pelikula at ayon sa kanyang Facebook post medyo nag-alangan siyang tanggapin ang project dahil masyadong tight ang deadline.

Pero ayaw naman niyang palampasin ang pagkakataon na makatrabaho si direk Erik, pati na rin sina Sharon at ang batikang aktor na si John Arcilla.

Regalo rin ni Sharon sa kanyang mga fans ang Kuwaresma bilang bahagi ng celebration ng 40th anniversary niya sa showbiz. Maraming mga Sharonians na ang excited na mapanood ito.

Curious sila sa unang pagsabak ng Megastar sa isang matinding horror film.

Marami ring fans groups ni Sharon ang nagbabalak mag-schedule ng block screening with the hope na pwede nilang maimbita ang Megastar sa nasabing event at makadalo ito.

May panawagan din ang fans ni Sharon na sana raw lahat sila ay sumuporta sa Kuwaresma para matiyak na magiging blockbuster ito.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with