Big Brother nalulusutan ng mga ligawan
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Dapat sigurong kabahan si Big Brother dahil mga kabataan at menor de edad ang nagsisimula nang magpakita ng pagkakagusto sa isa’t isa sa loob ng kanyang bahay. Hindi na ito bago dahil kung ang mga adult housemate ay hindi napipigilan ang pagkakagusto sa mga kapwa nila housemates yung mga kabataan pa kaya ang hindi? Kailangan niyang magbantay-sarado bago pa lumala ang mga nararamdaman ng kanyang mga batang alaga sa kanilang mga kasamahan sa Bahay niya.

Yen hindi naging close sa ka-trabaho

Walang pangiming inamin ni Yam Concepcion na katulad ng mga role nila ni Yen Santos sa seryeng Halik na magwawakas na sa linggong ito na hindi sila masyadong close. Hindi nila maituturing ang mga sarili nila na magkaibigan. Nakatulong marahil sa pagiging hindi nila close ang pangyayaring magkaiba ang unit nila at bihira silang magkasama sa eksena, pero hindi rin sila magkaaway na tulad ng mga role nila, hindi lamang sila nabigyan ng pagkakataon na maging magkalapit.

Meron silang ibang circle of friends na nakakakwentuhan nila, napagsasabihan ng problema, napaghihingahan ng sama ng loob. 

Si Yam is grateful na sa kabila ng pagiging “pambansang kabit” ay tumakbo ng siyam na buwan at kinilala ang kanyang talento sa pag-arte.

Nanalo na siya sa Guillermo, Gawad at Social Media awards at bagaman at wala siyang pagsisising nararamdaman na pinili niyang magsimula ng pag-aartista sa pagganap sa mga sexy role, pero kung alam lang daw niya na ganito ang kahihinatnan niya ay hindi niya piniling maging sexy star.

Dahil sa lindol, maraming Pinoy bumalik sa pagdarasal

Bagaman at nalulungkot ang marami sa iniwang trahedya ng 6.1 magnitude na lindol na naramdaman ng lahat noong Lunes ng hapon, may dapat tayong ipagpasalamat na ganun lamang ang iniwang kaganapan ng kauna-unahang pagkilos ng lupa na nagsimula sa Zambales makaraan ang dalawang dekada.

Let us just hope and pray na hanggang dun lamang ang pinsalang iniwan ng lindol at hindi na ito masundan pa. Siguradong mas marami na naman ang makakaalala sa Diyos at magsimula na namang magdasal para sa kanilang kaligtasan at ng bansa.

Dingdong hindi natitinag sa pagiging ‘king’ ng Kapuso

Pinili ni Dingdong Dantes na manatiling Kapuso na dapat lamang, dahil isa siya sa mga hari ng network, pinapayagang mag-grow ang karera sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa kalabang network. Wala siyang matatanggap na ganito kagandang deal sa ibang network.

BIG BROTHER YAM CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with