Dong handa nang maging Song Joong-ki!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

Grabe 21 years na pala si Dingdong Dantes sa GMA 7. At kahapon ay nag-renew siya ng panibagong management contract. Naka-display nga ang mga throwback photo ni Dong nung mag-umpisa siya sa Kapuso Network sa 17th floor ng GMA Network building kung saan ginanap ang presscon.

Aminado ang actor na excited siya sa mga mangyayari sa bago niyang kontrata lalo na nga’t bukod sa pagiging aktor, pinayagan din siyang maging creative consultant ng pagbibidahan niyang Korean historical drama series na Descen­dants of the Sun.

Maraming fans ang literal na ‘nabaliw’ sa Des­cendants of the Sun na nagkaroon ng maraming local adaptation sa maraming bansa.

Dito rin sumikat nang husto ang Korean actor na si Song Joong-ki at ang naging misis niyang si Song Hye-Kyo.

Napanood na ni Dingdong ang Descendants... at maging siya ay na-in love sa material. Pero wala pa siyang idea kung sinu-sino ang makakasama niya at gaganap na Doc Kang (Song) or sino ang magiging director niya.

Ayon pa kay Dingdong, wala pa silang masyadong preparation sa kasalukuyan at binubuo pa lang ang show. “Well ako, more than being physically prepared I think I am very much emotionally prepared and spiritually prepared to take on anything.”

Espesyal din ang turing niya sa bagong assignment. “Kakaiba yung inspiration, hugot, at motivation more than ever ang chapter na ito sa buhay ko.”

Bago nag-sign ng contract ang actor ay nakipag-usap muna siya sa GMA executives at tinanong kung ano pa ang puwede niyang gawin.

Bukod sa pagiging creative consultant, may chance din siyang magdirek ng movie for GMA Films.

Sinabi na rin niyang malabong gumanap na Doc Kang si Marian na 7 days pa lang nakakapanganak dahil nga pahinga muna ito. Pero balik na ito sa gardening. Normal delivery ang aktres, pero sampung oras siyang nag-labor.

Pero medyo tahimik daw itong si Ziggy na parang suplado.

Sinong kamukha? “Wala pa eh. Iba-iba everyday.”

Going back to Descendants...

Kabilang si Nay Lolit Solis sa sobra-sobrang naadik sa nasabing palabas. Hehehe. Ilang beses pa kaming nag-Korea hoping na makita man lang ang anino ni Song Joong-ki. Pero waley, lagi ka­ming luhaan at ang ending sa mga poster at sa coffee shop na pinagshootingan lang kami nakakapagpa-picture.

Hahaha.

Regine hinihintay  mag-react , fans nag-protesta sa chinese subtitles ng avenger endgame!

Mag-comment kaya si Regine Velasquez sa gagawin ng ibang sinehan na may Chinese subtitles ang pelikulang Avengers Endgame na magsisimulang mapanood sa mga sinehan sa Wednesday?

Si Regine ang naalala ko matapos ngang mag-protesta ang ibang nag-aabang sa pelikula na magkakaroon ito ng Chinese subtitles base sa announcement ng isang chain of movie theaters.

Siyempre nainis ang marami dahil bakit Chinese, hindi ba puwedeng Tagalog, ang sariling wika natin?

Sa ibang bansa nga naman pag foreign ang pelikula, ang kanilang language ang subtitle? Eh bakit dito sa atin, Chinese na rin?

Wow parang lumalakas na talaga ang presence ng Chinese sa ating bansa.

Maaalalang nagkaroon ng sagutan sina Regine and DFA Sec. Teddy Boy Locsin dahil sa clam na kinukuha raw ng mga Chinese sa Scarborough Shoal samantalang sa atin ang nasabing lugar. “Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food sinisira nila ang ating karagatan!!!!” sagot ni Regine sa tweet ni Mr. Sec. na “I am not going down in history as a clam defender, okay? It’s a complaint; we’re looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market.”

LINDOL NAKAKATAKOT...

Scary ang lindol kahapon. Hindi biro ang lakas lalo na kung nasa mataas kang lugar. Nakakahilo at talagang magdadasal ka para tumigil.

Ilang seconds din ang tinagal ng malakas na lindol.

Stay safe everyone. Hindi natin alam kung kailan uli ang lindol.

Parating na ba ang “The One?”

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with