Regine
‘Regine may punto ang opinion sa mga taklobo’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

Mahirap para sa isang artista kapag nagbibigay sila ng opinyon sa government-related issues katulad ng nangyari sa opinyon ni Regine Velasquez sa pahayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin tungkol sa issue ng taklobo, ang mga malalaking tulya na inaalagaan sa dagat natin na illegal na inaani ng mga Chinese.

Tama si Regine, ang territorial at hindi ang pag-harvest ng taklobo ang isyu. Hindi ko mabibigay ang opinyon ko dahil hindi ko alam ang bagay na ito pero dapat din natin intindihin ang pagtatanggol ni Regine sa isang bagay na sa palagay niya ay tama.

Masyado nang scary ang mga balita na unti-unti na nakukuha ng mga dayuhan ang ilang isla na sinasabi na pag-aari natin, ang mga balita na may mga trabaho nang naagaw sa mga kababayan natin at ang pambu-bully sa fishermen natin.

Scary to the point na para bang wala tayong magagawa dahil maliit lang ang Pilipinas at hindi natin kaya na lumaban.

Mabuti na lang, may mga vigilant people na nakabantay pa rin sa mga ganitong isyu. Fighting. Kahit maliit tayo, ipaglaban natin kung ano ang atin. Fight!

Naalaala ko ang kuwento ni Danton Remoto tungkol sa encounter niya sa isang Chinese habang nakapila ang lahat ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport. Bongga si Danton dahil lumaban ito, hindi siya nagpatalo sa Chinese na nagmamadali kaya ayaw pumila sa linya.

Kumakandidato si Danton na konsehal sa 3rd District ng Quezon City at kahit independent candidate siya, suportado niya ang mayoral bid ni incumbent Vice Mayor Joy Belmonte.

Bashers supalpal kay Coco

Gustung-gusto ko ang Instagram post ni Coco Martin na “I am only responsible for what I say, not what you understand” dahil perfect na perfect ito para sa mga basher na comment nang comment na hindi naiintindihan ang mga binabasa.

‘Yung sila lang ang nagbibigay ng meaning sa isinulat mo na hindi naman nila na ma-comprehend o naiintindihan.

Natumbok ni Coco na dapat maging utak ng mga tao na ayaw ko naman isipin bobo pero one track mind.

Ito rin ang gusto ko na sabihin sa mga basher, basahin ninyo na mabuti at  intindihin bago kayo mag-comment.

Alam n’yo ba na dahil sa pagi­ging negative ninyo, nagdadala kayo ng malas sa inyong idolo? Baka dahil sa kamalasan na ‘yon kaya hanggang ngayon starlet pa rin ang idolo ninyo?

Nakakaawa, you feel sad for their wasted time saying those bad words na wala naman magiging resulta.

Dapat lang na mag-react si Coco at kung anuman ang feeling niya, we understand. Kaya kung matatalino ang mga nakabasa, alam nila ang kanyang ibig na tukuyin.

At dapat bago mag-comment, marunong sana magbasa, hindi ‘yung walang alam pero comment nang comment. Sabi nga ni Coco, shut up!

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with