Sam
Sam maraming beses binantaang papatayin!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

Para kay Sam ay hinding-hindi niya makalilimutan ang karakter niya bilang si Ace dahil sa pagiging masama nito. “I think the bashing that he gets, he deserves. I see a lot of more hate kay Jade (karakter ni Yam). I understand that but we have to remember that Jade is a victim. Ace is the real bad guy. I feel that Ace is really the evil one at wala siyang remorse,” paliwanag ni Sam.

Ngayon lamang din nakaranas ang aktor na makatanggap ng death threats sa social media mula sa ilang manonood ng programa dahil sa kanyang karakter. “I’ve gotten some messages before, na parang, ‘Punta ka sa ABS-CBN ng ganitong oras, papatayin kita.’ Parang gano’n,” nakangi­ting kwento ng binata.

Sa halip na patulan ni Sam ang nagbabanta sa kanyang buhay ay binabalewala na lamang daw niya ito. Ikinatuwa ng aktor na kinaiinisan ang kanyang karakter dahil nangangahulugan lamang na epektibo niyang nagagampanan ito. “Yeah! I appreciate it naman anyway, ‘coz sometimes bilang evil character, takot ako kapag may mall show ako para sa Halik. Sometimes I’m afraid na sa mall shows may biglang… (umatake) sa sobrang bwisit nila sa character ko,” pagtatapos ni Sam.

Ian aminadong parang hindi tumatanda sa kakulitan

Hindi sang-ayon si Ian Veneracion na pasukin din ng kanyang tatlong anak ang mundo ng show business. Hanggang maaari ay ayaw ng aktor na mahiligan ng mga anak ang pag-aartista. “They come to taping. My bunso, close na close sila ni Bea (Alonzo). Pero ako intentionally, wala akong balak na ipa-showbiz sila. Minsan nga sinasama ko sila sa set para makita nila how boring it is, para ma-discourage,” nakangiting pahayag ni Ian.

Ang gusto ng aktor ay ibang linya ng trabaho ang gawin ng mga anak. “I want them to take their own path, not showbiz because I’m there. Of course I’ll pull some strings for them. And I don’t want that kasi, ‘Maybe I got a show because of daddy.’ I don’t want that. I want them to have their own confidence from their own work,” paliwanag niya.

Marami ang nakapapansin kay Ian na mukhang hindi tumatanda. Mahigit tatlong dekada na sa industriya ang aktor kaya marami ang nagtatanong kung paano napananatili ang maayos o batang hitsura. “Honestly, I think my brain got stuck at 14 (years old). Until now, all the kalokohan and the kapilyuhan, I’m like, ‘What happened to time?’ I just turned 44 (years old) last February. ‘Wow! 44?’ Feeling ko ‘yung kakulitan ko got stuck there,” pagbabahagi ng aktor.   

(Reports from JCC)

SAM MILBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with