Dingdong
Dingdong kapamilya star ang bagong leading lady!?
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

Pagkatapos in-announce ng GMA 7 na si Dingdong Dantes na ang magiging bida sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun, ang tanong na ng karamihan ay kung sino ang gaganap na leading lady?

Sandaling nakatsikahan namin ang SVP for Entertainment TV na si Ms. Lilybeth G. Rasonable sa contract-signing ni Dingdong kahapon.

Wala pa raw talaga silang ideya kung sino ang kukuning leading lady dahil si Dingdong muna ang tiniyak nila. “Tingnan natin. Ayoko muna magsalita kasi hindi pa kami dumarating dun. Si Dingdong muna ang sinecure natin, then makapag-umpisa na kami to cast,” pakli ng GMA Executive.

“Definitely, it will be somebody na magiging maganda at may chemistry, yun ang pinaka-importante sa lahat, whether bago o hindi bago, nakatambal na o hindi pa nakatambal. Mas importante sa amin yung magki-click sila on screen,” dagdag niyang pahayag.

Lumalabas na kasi ang mga pangalang Carla Abellana, Jasmine Curtis-Smith o may bago bang lalabas na kalilipat lang galing ng kabilang istasyon.

Nilinaw namin kay Madam Lilybeth kung totoong may pag-uusap ba sa kanila ni Shaina Magdayao?

“Hindi pa kami nagmi-meet or whatever,” mabilis niyang sagot sa amin.

Pagdating kasi sa isyung lipatan, nagugulat na lang daw sila sa mga naglalabasang pangalan, pero wala pa raw talagang pag-uusap o feelers na may lilipat sa kanila galing ng Kapamilya network.

Hindi naman daw mawawala ang ganung isyu, kaya abang-abang na lang tayo.

Sa ngayon ay masaya na raw sila sa pag-renew ng kontrata ni Dingdong na 21 years nang namamayagpag ang career sa Kapuso network.

Hindi nga napigilan ni Dingdong na maluha habang pinapanood ang Audio Visual Presentation na inihanda ng GMA 7 pagkatapos niyang pumirma ng three-year contract sa Kapuso network.

Bumabalik lang daw ang mga magagandang memories niya sa GMA 7 kaya medyo emotional na ito nang humarap siya sa movie press kahapon. “Nag-flashback kasi talaga lahat. Hindi talaga ako makakarating dito kung nasaan man ako ngayon kung walang nagtiwala sa akin.

“Kaya talagang nararapat lang na isoli ko ang aking tiwalang ibinigay nila sa akin. Kaya hindi ko sila ipapahiya,” pakli ng GMA Primetime King.

Sabi pa nga ni Ms. Lilybeth, magiging bahagi na rin si Dingdong sa Creative team ng Descendants dahil sa tagal niya sa GMA 7 at paggawa ng soap, alam niya kung ano ang mas maganda para sa isang serye.

“Actually, ganyan na siya sa past shows, he’s one of the creative consultants.

“Now, it will extend behind the scenes..meaning, kasi sabi nga niya 21 years na siyang gumagawa ng soap, mga show, so na-observe na rin niya ang production process. May mga suggestions siya how we can make it more efficient, yung work flows and everything.

“Para sa mga programa niya, iyun na ang gagawin niya,” pahayag ni Ms. Lilybeth.

Kaya hindi rin malayong magdirek si Dingdong ng ilang shows ng GMA 7, pero hindi raw siya ang artista.

Ayaw naman ni Dingdong na siya ang magdidirek sa sariling show. Pero open siya sa ideyang magdirek ng ilang shows ng GMA 7.

Sa contract-signing kahapon ay napag-usapan na rin ang panganganak ni Marian kay Baby Ziggy o mas type ni Dingdong na tawaging si Baby Sixto.

Feel na feel na nga raw ni Zia ang pagiging ate at sobrang tuwa raw niya nang makita ang bunsong kapatid. Ang higpit daw ng yakap niya sa bagets.

Pero ang gustong purihin nang husto ni Dingdong ay ang asawang si Marian na nakita raw niya ang hirap ng pagluwal sa kanilang anak.

Bilib daw siya sa katapangan ng asawa na gising siya hanggang sa nailuwal si Baby Sixto.

Kaya ang laki raw ng respeto niya sa asawa at sa lahat na mga Nanay na talagang itinataya ang buhay para mailuwal ang anak.

“Kaya alam niyo, as much as we celebrate ng birth of…o i-celebrate the the birth of my son, I also celebrate of course yung life ni Marian.

 “So, kapag nagbi-birthday na rin yung isang tao, dapat na sini-celebrate din yung nanay.

“Kakaibang respeto talaga lalo ang ibinibigay ko sa aking asawa, dahil sa second child namin, I also wanna honor her because of all her sacrifices.

“Kaya ngayon, kung ano ang kailangan niya para ma-pamper siya o makumportable siya, gagawin ko,” seryosong pahayag ni Dingdong.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with