Ricky balik sa pagdidirek
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang kuwento ni Dingdong Dantes na nadagdagan ang saya sa tahanan nila ni Marian Rivera dahil sa pagda­ting ng kanilang anak na bunso na si Jose Sixto Dantes IV. Niyakap daw agad ng kanilang panganay na si Zia ang kapatid nito.

SCENE: Naging emosyonal si Dingdong  sa presscon kahapon para sa renewal ng exclusive contract niya sa GMA Network Inc. dahil nag-flashback sa kanya ang mga nakaraan. Ipinakita sa special AVP presentation ang pagsisimula ng showbiz career niya noong 1998.

SEEN: Uumpisahan sa June 2019 ang taping ng Philippine adaptation ng popular Koreanovela na Descendants of the Sun na pagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Si Dominic Zapata ang direktor na pinanood ni Dingdong ang original version kaya alam niya na napakaganda ng kanyang bagong project sa Kapuso Network.

SCENE: Ginunita ni Willie Revillame ang Holy Week sa kanyang beach resort sa Puerto Galera kasama ang kanyang mga kaibigan at ilan sa Wo­wowin staff.

SEEN: Pagkatapos ng matagal na panahon, balik sa pagiging direktor ng teleserye si Ricky Davao. Ang Dahil sa Pag-Ibig ng GMA 7 ang bagong directorial project ni Ricky.

SCENE: Plano ng Heaven’s Best Entertainment Productions na isali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 2018 ang In the Name of the Mother, ang drama movie na pinagbibidahan ni Snooky Serna.

SEEN: Si Race Matias ang bida sa television commercial ng isang pancake restaurant. Si Race ang aspiring actor na panganay na anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

RICKY DAVAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with