Coco at Yassi
Coco at Yassi cozy cozy sa Japan!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2019 - 12:04am

Nag-fiesta sa kilig ang fans nina Coco Martin and Yassi Pressman nang may makakita sa kanilang cozy cozy sa Japan.

Sinama ni Coco sa Japan ang kanyang lola kung saan andun ang grupo ng Ang Probinsyano para sa Kapamilya Fiesta World Japan na ginanap kahapon.

Makikita kasi sa photo na uploaded sa isa pang Instagram account ng actor na parang may inaayos siya sa damit ng leading lady sa AP sa may bandang balikat. Meron pang short video na nakaakbay siya sa aktres habang nagpapa-picture habang nagto-tour sila sa Asakusa Temple.

Aggressive ang fans nina Coco and Yassi lalo na pag nababanggit ang pangalan ni Julia Montes na consistent ngang nakadikit ang pangalan sa aktor at sinasabing may anak pa diumano sila ng aktor bagama’t kahapon ay indirectly ay sinagot na ni Coco ang isyu na mananatili siyang tahimik kung anuman ‘yun. Or baka naman ibang issue ‘yun?

Dahil sa anak Dingdong inaalala  ang misyon sa mundo!

Magkaiba ang post ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na hawak ang kanilang brand new baby boy kahapong Linggo ng Pagkabuhay. Pero iisa ang laman ng mensahe nila, pasasalamat.

“I believe we all need that spiritual awakening, that cannonball moment— as inspired by St. Ignatius— a reminder that without Him, nothing is possible.
“Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you.” (from the book of Mathew).

“We asked for a heathy sibling to Letizia and he blessed us with boy— a bonus indeed.
“Today, in His resurrection days after the birth of Sixto, we are again reminded of our mission in this world. Through this blessing, i have renewed my commitment to live a more meaningful life not only for myself, but for my family and others as well.
“He is graciously present and alive in all of us, and His presence is definitely overflowing through my son, through my wife and Letizia.
Five days ago, we rejoiced as our joyful beginning as a sQUAD began.
“Today, we rejoice as the Beloved Son is Risen! “ Happy Easter everyone!,” sabi ni Dingdong na magre-renew ng panibagong management contract with GMA 7 ngayong tanghali.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with