^

PSN Showbiz

Maja hindi lantad ang ‘detalye’ ng bf!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maja hindi lantad ang �detalye� ng bf!
Rambo at Maja

Kahit todo post sa social media

Madalas mag-post si Maja Salvador ng mga larawan nila ng kasintahang si Rambo Nuñez sa Instagram. Aminado ang aktres na ang binata ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Ayon kay Maja ay suportado siya ni Rambo sa lahat ng kanyang ginagawa sa show business. “Sobrang naiintindihan niya ‘yung trabaho. Ako ‘pag may boyfriend naman, hindi naman ako nagbibigay ng detalye talaga. Mas pinili ko manahimik,” pagtatapat ni Maja.

Para sa aktres ay hindi naman kailangang itago ang tungkol sa kanila ng kasintahan pero mas minabuting hindi na magbigay ng mga detalye tungkol sa kanilang relasyon. “Oo, public figure ako, pero as much as I want, I can, ayaw ko magbigay ng detalye, sa akin na lang ‘yon. At least, hindi ako maramot ngayon sa pagsi-share (ng mga larawan) and kung gaano ka ka-happy,” giit niya.

Naninibago rin umano ang binata ngayon dahil sa atensyon na nakukuha mula sa mga tagahanga ni Maja. “Nagugulat siya na biglang dumadami na ‘yung followers niya. Tapos natatawa siya na ‘pag hindi siya nata-tag sa social media, may mga comments na, ‘LQ ba kayo ni Ate Maja?’ parang may gano’n pero natutuwa  naman din siya,” nakangiting kwento ni Maja.

Inigo naging inspirasyon ni Ken

Nakatakdang pumunta ang World of Dance finalist na si Ken San Jose sa France para magturo ng sayaw sa isang convention. Gaganapin ang dance convention sa Tourcoing sa May 11 at 12. Masayang-masaya si Ken dahil sa bihirang pagkakataon na makatrabaho ang ilang sikat na mga personalidad sa larangan ng pagsasayaw. “I’m still working on my international career like I’m teaching at a convention in France next month with famous dancers like Bailey Sok and Jake Kodish and Willdabeast,” bungad ni Ken.

Kahit nakapagsasayaw sa iba’t ibang bansa ang binata ay mas gusto pa rin daw nitong sa Pilipinas maipamalas ang galing sa pagsasayaw. “I still work internationally pero this is where I’m always going to come home to. This is where my home industry will be. I have to say that Filipino audiences and fans are very, very supportive. I’ve never felt more love in the world. And I’ve been to a lot of places. So I’ll always have that sense of home here in the Philippines,” paliwanag ni Ken.

Nagsisilbing inspirasyon ni Ken ang kaibigang si Inigo Pascual na siya ring sumulat ng kauna-unahang single ng World of Dance finalist na Lose Control. “He’s been such an inspiration to me and really a kuya to me. He’s been guiding me through the whole process. I’m so honored because a lot of people just dream of working with Inigo and we really became close through out the last time since I joined (Cornerstone, talent management ng dalawa),” pagbabahagi ni Ken.  (Reports from JCC)

vuukle comment

MAJA SALVADOR

RAMBO NUñEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with