^

PSN Showbiz

Pagkatapos dalawin si Alden sa Hk? Maine dumiretso sa Bali kasama si Arjo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Pagkatapos dalawin si Alden sa Hk?  Maine dumiretso sa Bali kasama si Arjo
Maine at Arjo

Sa amin lang ito, parang hindi maganda para kay Maine Mendoza ang pinalalabas ng ibang AlDub fans na pagkatapos dalawin daw ni Maine si Alden Richards sa Hong Kong, dumeretso siya sa Bali para makasama sa bakasyon ang mga kabigan. Eh, kasama sa bakasyon na yun si Arjo Atayde.

Hindi maikakailang magkasama sina Maine at Arjo sa Bali dahil nakunan sila ng picture sa NAIA at may picture pa sila habang nasa Bali. Kung totoong binisita ni Maine si Alden sa Hong Kong at dumeretso sa Bali para makasama sa bakasyon ang mga kaibigan at si Arjo, ano na lang ang magiging impression sa kanya ng tao?

Bakit kasi may mga gustong baguhin ang istorya eh. Ang linaw-linaw naman. Puwede pa namang maging love team sina Maine at Alden at lalong pwede silang maging magkaibigan pa rin kahit may nali-link na iba kay Maine.

Ang dapat lang tigilan ay ang paggawa ng kwento na ang sumasama ay ang image ay si Maine.

Ilang beses na kasing sinabi ni Maine na friends lang sila ni Alden at ilang beses na rin itong sinabi ni Alden, pero may fans pa ring ayaw tigilan ang paggawa ng kwento sa dalawa na hindi totoo.

Eric mukhang pari kahit  kontrabida

Kasama si Eric Quizon sa cast ng horror movie na Maledicto at ginagampanan ang role ni Archbishop Delfino. Tanong ni Eric sa Instagram (IG), “Do I look like a priest?” Sumagot si Bela Padilla ng “You actually do!” na ikinatawa ni Eric.

Sayang at wala si Eric sa presscon ng pelikula na showing sa May 1, nakapagkwento pa sana siya sa kanyang role at kung ano ang challenges na hinarap niya playing the role of a priest.

In fairness kay Eric, active siya bilang actor at director at hindi nawawalan ng project, kaya sigu­ro, wala pa sa isip niya ang mag-retire. Saka, kung may mga offer nga naman and he got to play different role, bakit hindi niya tatanggapin?

Gaya na lang sa Sahaya, kontrabida ang role ni Eric bilang si Hubert na ang negosyo ay coral mining. Hindi agad maiisip na kontrabida siya dahil maamo ang mukha at mabait ang aura.

Kapag napanood ang Maledicto na showing simula sa May 1, malalaman natin kung mabait o kontrabida ang karakter ni Eric. Mula ito sa direction ni Mark Meily.

Jolo malakas ang tama sa bagong gf

Nang makita ang picture nina Cavite Governor Jolo Revilla at GF na si Angelica Alita noong bakasyon nila sa Boracay, naalala namin ang sinabi ni Bong Revilla na hindi siya nakikialam sa relasyon ng kanyang mga anak. Kasama sa relasyon na hindi niya pinakikialaman ay ang relasyon nina Jolo at Angelica, basta masaya ang mga anak nila ni Bacoor Mayor Lani Mercado.

Kuha ang picture nina Jolo at Angelica habang nasa yate sila at hinalikan ni Jolo ang noo ng nobya. Pero ang caption ni Jolo ang nagdala. “Thanks for loving me for who I am.. Looking forward to more adventures in our wonderful journey together!”

‘Katuwa ang comment ni Bryan Revilla na “Kayo na ang in love” at ang sagot ni Jolo na “@bryanrevilla ikaw tinamaan?”

Pero si Lolit Solis, malaki ang paniwala na in the end, magkakabalikan pa rin sina Jolo at Jodi Sta. Maria. Kahit daw super in love si Jolo sa GF niya ngayon, naniniwala siyang darating ang araw na babalik si Jolo kay Jodi.

Shaira walang paki kahit hindi bagay kay gabby

Hindi na lang sinasagot ni Shaira Diaz ang mga negative comments na hindi sila bagay ni Gabby Concepcion sa rom-com series ng GMA 7 na Love You Two dahil sa agwat ng kanilang edad. May nag-comment na mas bagay niyang kuya at pwede ring tito si Gabby, kesa love interest.

Ayaw na lang haluan ng nega vibes ni Shaira ang simula ng airing ngayong araw ng rom-com series. Basta siya masaya na mapabilang sa cast at makatrabaho sina Gabby at Jennylyn Mercado.

Sa closeness nina Jennylyn at Shaira, hindi kami magugulat kung makasama si Shaira sa circle of showbiz friends ni Jennylyn na kinabibilangan nina Nar Cabico at Anna Barro.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with