Regine, Moira, James, at Vice, handa nang kilatisin ang idol hopefuls…
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

Happy Easter everyone.

Sana ay naging makabuluhan para sa ating lahat ang katatapos na Mahal Na Araw.

Back to kampanya mode na ang mga kandidato at excited na rin ang lahat para sa showing ng pelikulang Avengers Endgame na may lumabas na raw spoiler.

Konting panahon na lang at election na kaya magkakaalaman na.

Sagsagan din ang promo ng cast ng pinakahihintay na Avenger movie at nagkaroon pa sila ng Asian tour sa Seoul, South Korea and Shanghai, China.

Ngayon na ring araw bibida ang mga astig na Pinoy sa kantahan sa pagsisimula ng tinuturing na pinakamala­king singing competition na hahanap sa bagong iidolohin ng bansa, ang Search for the Idol Philippines umpisa ngayong Linggo (Abril 21) sa ABS-CBN.

 Magsasanib-puwersa sa unang pagkakataon sina Regine Velasquez-Alcasid, Moira Dela Torre, James Reid, at Vice Ganda na sama-samang kikilatis at mag­dedesiyon sa kapalaran ng bawat kalahok.

Sa loob ng higit tatlong dekada, pinatunayan nga ni Regine na isa siyang OPM icon sa mga hindi niya malilimutang hit songs at pagiging inspirasyon sa bagong henerasyon ng singers. Sa unang pagkakataon niya bilang judge sa reality-talent show, ibabahagi niya ang kanyang karanasan bilang Asia’s Songbird na huhubog sa susunod na singing idol ng bansa.

Bagong tunog naman ang ibinigay ni Moira sa OPM sa sunod-sunod niyang hit songs. Siya rin ang most streamed Filipina artist ng Spotify noong 2018 na nagpapakita sa malaki niyang impluwensya sa musika. Ngayon naman, gagamitin niya ang naiiba niyang boses upang kilatisin ang mga kalahok na may sariling tunog at nangangarap ding magnining sa pagkanta.

Mula naman sa pagiging TV at movie actor, isa na ring multi-awarded singer-songwriter ang Multimedia Prince na si James. Mayroon na rin siyang sariling record label, ang Careless Music Manila, na nagpapatunay sa abilidad niya bilang isang producer. Magsisilbing inspirasyon sa mga kalahok ang kanyang pagiging all-around artist at pagkakaroon ng total package para magmarka sa industriya.

Isa namang record-breaking concert performer ang Unkobogable Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa taon-taon niyang sold-out concerts. Nangunguna rin sa radio charts ang mga pinauuso niyang kanta na nagdadala ng good vibes sa madlang people. Inaabangan ang paghataw niya ng mga diretsahang komento linggo-linggo na susubok sa tatag ng singing aspirants.

Samahan din ang international RnB sensation na si Billy Crawford na linggo-linggo ding maghahandog ng iba’t-ibang kwento ng pangarap ng idol hopefuls mula sa bawat sulok ng bansa at ibang panig ng mundo sa pagkamit ng kanilang pangarap sa Search for the Idol Philippines simula ngayong Linggo (Abril 21) sa ABS-CBN. 

IDOL PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with