Dingdong patatali uli sa GMA!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

I cannot imagine GMA 7 without Dingdong Dantes at hindi ko rin ma-imagine na Dingdong Dantes out of GMA 7.

Salamat at muling nag-renew si Dingdong ng kontrata bilang exclusive contract star ng Kapuso Network, isang  patunay na pamilya talaga ang kanyang tingin at turing sa mga tao ng GMA Network Inc. na second home na niya.

Mula nang magsimula ang kanyang showbiz career noong 1996, never na lumipat si Dingdong sa ibang television network as in nanatili ang kanyang loyalty sa Kapuso Network.

Ang ganda na makita ang  growth ni Dingdong bilang artista mula sa isang lanky teener, nagbinata at ngayon, may asawa at mga anak na. Nakakatuwa rin na na-maintain niya ang  pagiging A-list actor.

I can really say na isang aktor si Dingdong dahil napatunayan nito ang husay sa pag-arte sa mga pelikula  at mga television series na kanyang pinagbidahan.

Sad lang na hindi niya naranasan ang gabay at husay ng mga pumanaw na direktor na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal or else, tiyak na lalong titibay ang galing ni Dingdong bilang award-winning performer.

But more than being a good actor, he is really a good person. Hindi lang isang mabuting tao, responsableng ama at asawa rin siya.

Suwerte talaga ni Perry Lansigan sa pagkakaroon ng isang alaga na tulad ni Dingdong na hindi lang manager ang tingin sa kanya kundi kapatid at pamilya.

Another precious gem for Channel 7 si Dingdong. Live your life to the fullest and thank you Dingdong for the friendship.

Maraming Pinoy hindi nawawala ang pananalig at tiwala sa Diyos

On days like these, kung kailan natin ino-observe ang Holy Week at binibigyan ng panahon ang ating relasyon kay God, nakakatuwa na makita na marami pa rin ang  nagpupunta sa mga simbahan para magdasal at bigyan Siya ng papuri.

Nakikita natin na buong pamilya, pumapasok sa simbahan, nagdarasal at nakikinig ng Banal na Misa.

Refreshing to see na hindi pa rin nalilimutan ng mga tao ang mga araw na tulad nito, ang paggunita sa mga sakripisyo ni Jesus Christ para mailigtas sa kasalanan ang sanlibutan.

Nandiyan pa rin ang pananalig at ang pagtitiwala nila sa Diyos na nasa Itaas. Nakakatakot na kasi ang mga nangyayari sa paligid, ang bad news na ating naririnig sa radyo, napapanood sa TV at nababasa sa mga diyaryo, ang mga krimen na parang hindi na  tao ang gumagawa dahil wala silang takot.

Nakakakilabot isipin na may mga kriminal na pumatay na nga, binalatan pa ang mukha ng biktima. Nandiyan din ang mga kriminal na hinalay at pinatay ang paslit na bata.

Sobra nang lupit ang nakakaisip na gumawa ng mga karumal-dumal na krimen. Mga demonyo na sila, hindi mga tao.

At times like these, kailangan natin ang patnubay ng  isang matatakbuhan para magbigay ng proteksyon, ang  puwersa na hindi makakaya na talunin ng mga masasama at ‘yan si God.

Mabuti na lang,marami pa rin ang alagad ng Panginoon, ang mga tao na nananalig sa Kanya. Ang mga tao na patuloy na nagsisimba para magpasalamat at magbigay-Pugay sa Kanya kaya salamat, salamat. Happy Easter to all!

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with