Adele hiwalay na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

SEEN: Malalaswa at below-the-belt ang mga batikos sa semi-nude picture nina David Semerad at Gwen Zamora na inilabas nito sa Instagram account niya noong Biyernes Santo. Hindi nagustuhan ng mga moralista ang daring post ni Gwen.   

SCENE: Kasama nina Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado ang lahat ng kanilang mga anak at apo sa Holy Week vacation nila sa Boracay island. Isinama rin ni Jolo Revilla ang girlfriend nito na si Angelica Alita.

SEEN: Kinumpirma ng mga representative ng English singer na si Adele na hiwalay na ito sa kanyang asawa na si Simon Konecki matapos ang pitong taon na pagsasama. 

SCENE: Hinaluan ng pulitika ng isang pari ang sermon nito sa live telecast ng Seven Last Words ng DZMM noong Biyernes Santo at hindi ito nagustuhan ng ilan sa mga manonood.

SEEN: Ang mga batikos kay Regine Velasquez sa mensahe niya kay DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr. na “Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pag-iisip. These people are invading our territory they are not just taking food sinisira nila ang ating karagatan!!!!”

SCENE: Nag-react si Regine Velasquez sa Holy Tuesday statement ni DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr na “I am not going down in history as a clam defender, okay? It’s a complaint; we’re looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquema­riaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market.”

ADELE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with