Ibang mga nagbi-Visita Iglesia priority ang pictorial!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Meron kayang mga pulitikong mangangampanya ngayong Huwebes Santo lalo na ang mga kumakandidato sa national position?

Siguro naman mangingimi naman silang pumunta sa mga simbahan para makipagkamay at maki-selfie sa mga magbi-Visita Iglesia kung saan inaasahang dadagsa ang maraming Pinoy na magi-Station of the Cross.

Pitong simbahan, ang iba naman ay 14 churches, ang binibisita na siyempre depende na rin ‘yan sa gusto ng mga tao. Pero kung gusto mo naman ay medyo mag-sakripisyo, puwede naman sa 14 na simbahan.

Sana lang, ‘wag maging priority ng mga magbi-Visita Iglesia ang selfie at pictorial sa loob ng simbahan. Karamihan kasi ngayon, hindi na lang basta pictorial ang ginagawa, nagbi-video na rin sila na nakaka-distract sa totoong mga nagdarasal.

Pictorial din kaya ang habol nila o totoong pagti-tika at pagsasakripisyo?

Base raw kasi sa survey kaya karamihan ngayon ay nagta-travel ay para may mag-update / pang-upload sila sa kanilang social media accounts.

Ganito rin kaya ang kaso ngayon sa Visita Iglesia? Para may pang-upload sila?

Sana ay hindi. Sana ay totohanin natin ang pag-alala sa paghihirap ni Jesus.

HUWEBES SANTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with