Vice, Regine, James, Moira, at Billy bida sa summer
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sina Vice Ganda, James Reid, Moira Dela Torre, Billy Crawford, at Regine Velasquez-Alcasid ang bibida sa 2019 ABS-CBN Summer Station ID  na Summer is Love na mapapanood sa Linggo (Abril 21) ng Pagkabuhay kasabay ng pilot episode ng bagong talent reality show na Search for the Idol Philippines (Idol Philippines).

 Tulad ng patok nilang Christmas campaigns na Just Love at Family is Love, mensahe rin ng Summer is Love ang pagmamahalan at pagkakaisa ng mga Pilipino na nagpapasaya at nagpapasarap sa buhay sa panahon man ng tagumpay o ng pagsubok.

Makikita sa paparating na ABS-CBN 2019 Summer Station ID ang iba-ibang Kapamilya stars at personalities mula sa mga paboritong programa sa Kapamilya network na iindak at magtuturo ng sayaw.

Abangan ang unang pagpapalabas ng Summer is Love summer recording music video ngayong Pasko ng Pagkabuhay sa Linggo (Abril 21) na mapapanood rin sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

ABS-CBN SUMMER STATION ID VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with