GMA may handog na mga pelikula habang nagninilay-nilay
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mga pelikula at makabuluhang palabas ang handog ng GMA Network ngayong Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria.

Mapapanood ngayong araw ang pelikulang Hotel Transylvania at Beauty and the Beast.

Magnilay-nilay naman at tuklasin ang Holy Land sa travel show na #MichaelAngeloHolyWeekReflections ngayon ding umaga.

Tatlo pang pelikula ang magkakasunod na ipapalabas – Shrek (9:00 am); Titanic  (10:00am); at Noah  (1:30pm). Pagsapit ng hapon, tampok naman sa Front Row ng GMA News and Public Affairs ang dokumentaryong Pasan. Isang mahalagang aral sa pagpapatawad ang masusubaybayan sa episode ng Stories For The Soul na pinamagatang Kasama Mo ang Diyos. Hango sa kwento ni Joseph The Dreamer, pagbibidahan ito ng Kapuso actor na si Benjamin Alves.

Mula sa CBN Asia, mapapanood sa hapon si Kristoffer Martin sa Tanikala: Buyonero. Magbalik-tanaw din sa unang dalawang linggo ng epic-drama series na Sahaya pagsapit ng 7:00 pm. 

Kaabang-abang din ang pelikulang All of You ni Jennylyn Mercado at ng pinakabagong Kapusong si Derek Ramsay na ipapalabas sa ganap na ika-10 ng gabi. Sa Biyernes Santo (Abril 19), mag-eenjoy ang mga bata sa Barbie Video Game Here sa ika-5 ng umaga. Jesus sa ganap na ika-6 ng umaga at ng Women of the Bible, pagpatak ng 7am. Palabas din ang Up pagsapit ng 9:00am.

Pagninilay naman ang mapapanood sa live telecast ng Siete Palabras na gaganapin sa Sto. Domingo Church simula 12 ng tanghali hanggang ika-3 ng hapon. Hango sa kwento ni Job sa bibliya, hatid ng Stories for the Soul ang Tinig Ng Pananalig pagsapit ng 3:45 pm.

Abangan din ang mga pelikula simula ika-7 ng gabi na Our Mighty Yaya ni Ai-Ai delas Alas; na susundan nina Barbie Forteza at Ken Chan sa This Time I’ll be Sweeter pagsapit ng 8:30pm; at Meant to Beh na pagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta sa ika-10 ng gabi. 

Showing din ang Despicable Me 2 at Minions. Pagsapit ng alas-12 ng tanghali, m apapanood naman ang Superman Returns at Ben Hur.

Bibida naman sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa romantic movie na Almost A Love Story, 5:30pm na susundan ng The Journey na pinangungunahan ng multitalented Kapuso actor na si Alden Richards sa ika-7 ng gabi.

Siguradong maaaliw ang Kapuso viewers sa Enteng Kabisote 10 & The Abangers, pagsapit ng 9:00pm; at Imagine You and Me ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza sa ganap na ika-10 ng gabi.

SABADO DE GLORIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with