Dingdong lalong minahal si Marian
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

Ang sabi ni Dingdong Dantes, sampung oras na nag-labor si Marian Rivera bago nito isinilang sa Makati Medical Center ang kanilang baby boy na si Jose Sixto Dantes IV.

Imagine how a mother can give out that energy para isilang ang kanyang anak? Sabi nga, nasa bingit ng kamatayan ang isang binti ng babae kapag nanganganak kaya napakalaking pagmamahal ang ibinibigay para sa kanilang mga isinisilang na anak.

Kahanga-hanga ang mga kababaihan na nagiging ina at dapat lang talaga na hangaan si Ma­rian sa hirap na tiniis nito sa pagsilang sa bunso nila ni Dingdong.

Wow, 10 hours of labor, of pain, kinaya ng maliit na katawan ni Marian. For sure, triple ang love ni Dingdong para sa kanyang asawa at ina ng kanyang dalawang anak.

Congratulations and welcome to the world Jose Sixto Dantes IV. You’re parents are awesome. You will be proud of them.

Pagkasunog ng Notre-Dame senyales na puwedeng bumalik ang lahat sa abo sa isang iglap  

Sobrang laki ng impact ang idinulot ng pagkasunog ng Notre-Dame Cathedral sa Paris, France. Malakas ang impact at message na ibinigay ng pagkatupok ng iconic landmark sa Paris, ang simbahan na mahigit na 856-years old na in a flick of a finger, nawala, nasunog at gone to ashes.

The message is clear, no matter how old, strong, important you are, God is still the Almighty Father. You cannot help but bow in awe of that power.

You cannot help but believe that only God can save you. A historical, important building, a church of faith and love, for the longest years standing there, mawawala dahil sa sunog.

Talagang maiiyak ka magtatanong, paano ito nangyari? Bakit nangyari? You feel lucky dahil in your lifetime napuntahan at nakita mo nang personal ang Notre-Dame Cathedral, nadama mo ang magic nito habang nasa loob at nagdarasal.

So lucky for the chance God gave you to see and feel the grandness of Notre-Dame Cathedral. Sana, nakuha natin ang message na walang forever, na kapag ginusto Niya na mawala ang isang bagay, siya lang ang may karapatan na bumawi.

Thy will be done. Walang mataas, walang malakas, walang powerful. God is the Almighty. Amen.

Hanggang kahapon, big news sa buong mundo ang pagkasunog ng Notre-Dame Cathedral.

Hindi nawalan ng news ang CNN at BBC tungkol sa mga latest update sa cathedral na pipilitin na maitayo at maayos sa loob ng limang taon.

Nakakatuwa na mabilis na kumilos ang mga bilyonaryo, kabilang ang asawa ni Salma Hayek, sa pagbibigay ng financial help para maibalik sa dati ang Notre-Dame Cathedral.

Nakakatuwa rin na nagawa ng mga firefighter na iligtas ang mga relic at artifact na priceless o walang katumbas na pera.

Nakakakilabot ang mga kuwento na nagpakita si Jesus Christ sa tuktok ng Notre-Dame Cathedral habang nasusunog ito. Hindi product ng imagination ang mga testimony dahil sa mga litrato na lumitaw na ma kikita ang isang imahe na kahugis ni Jesus Christ. Paano ipapaliwanag ng sanlibutan ang picture ng shi­ning cross sa altar ng Notre-Dame Cathedral nang pasukin ito ng firefighters?

Naniniwala ako na may mensahe ang Diyos na nais nito na iparating sa lahat nang masunog ang Notre-Dame Cathedral noong Lunes.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with