Nadine mas gusting magtrabaho kesa magbakasyon
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

Ngayong summer ay mukhang hindi makapagbabakasyon si Nadine Lustre. Para sa aktres ay mas gusto niyang pagtuunan ng panahon ang kanyang musika.

“Hopefully this summer I can focus more on my music. A short vacation would be nice but I would like to work on my music rather than go on a holiday. I would like to push on my music naman this time. Kahit hindi ako masyadong visible on TV, I’m working on a lot of projects on the side. Also I wanna focus on my music po talaga,” bungad ni Nadine.

Kahit hindi aktibo ngayon sa telebisyon ang dalaga ay hindi naman daw niya ito hinahanap-hanap. “I don’t have a teleserye but I have a movie coming soon. I’m doing movie with Sam Concepcion. Parang same lang naman siya, it’s still acting,” nakangi­ting pahayag ng aktres.

Umaasa si Nadine na muling makababalik sa It’s Showtime kapag hindi na abala sa paggawa ng pelikula. “I miss hanging out with sina Ate Vice (Ganda), Vhong (Navarro). And now kasi medyo marami rin akong ginagawa so I don’t think I would wanna add more work pa, but definitely we’ll (kasama si James Reid) be back we just don’t know when,” dagdag pa niya.

Joshua uuwi sa pinanggalingan para makapag-beach

Napahanga raw si Joshua Garcia sa kakaibang talento ng direktor na si Mikhail Red na gumawa ng pelikulang Block Z na pinagbibidahan ng aktor at ni Julia Barretto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ni Joshua ang direktor. “Four days akong nagsu-shooting sa kanya and wala akong masabi. Napakagaling ni direk Mik and very professional. Tapos siya ‘yung tipo ng director na editor. Kumbaga nagdi-direct siya at the same time alam na niya ‘yung shot na kailangan niya sa hindi. So part by part kami, we shoot. Ang galing, hindi nagtatagal ‘yung scene. Kasi ang ginagawa ng iba different set ups from the top hanggang dulo. Nakita ko lang na gano’n kay direk and first time ko na gano’n,” pagbabahagi ni Joshua.

Espesyal sa puso ng binata ang nasabing zombie-themed movie dahil ang kasintahan ang kanyang nakatrabaho rito. Ayon pa sa actor ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ng tambalang Josh-Lia ang bagong pelikula. “Si Julia hindi na nga siya nakakapag-workout kasi parang busy siya sa pelikula na ginagawa ngayon. Sa ngayon ‘yung Block Z abangan ng mga tao sana. Kasi talagang pinaghirapan namin ‘yon,” giit ng aktor.

Samantala, ngayong bakasyon ay nagpaplano si Joshua na makapaglangoy sa dagat sa kanyang probinsyang pinanggalingan. “Ma-beach talaga ako eh. Kasi kapag nasa Maynila ako, wala talagang beach dito eh. So kailangan pumunta pa ako ng probinsya sa amin sa Batangas,” pagtatapos ng binata.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with