Maureen gustong I-partner kay Daniel
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

Susubukan na rin pala ngayon ng Asia’s Next Top Model winner at Eat Bulaga Dabarkads na si Maureen Wroblewitz ang pag-arte.

Pumirma na siya nung nakaraang Lunes, April 15 sa Reality Entertainment ng exclusive contract para sa three years, six-movie contract kasama ang management group niyang Prima Stella.

Ayaw pa munang sabihin nina Dondon Monteverde at direk Erik Matti kung ano ang first movie na gagawin niya dahil wala pa naman daw na-finalize na story at kung sino ang makaka-partner niya.

May mga nagsa-suggest daw sa kanya na bagay si Daniel Padilla, o bakit hindi si Ruru Madrid na matagal nang may crush sa dalaga.

Sabi naman ni Dondon, mas gusto raw sana nila iyung walang ka-loveteam kaya pinag-uusapan pa nila sa ngayon.

Sabi naman ni Maureen, bahala na ang Reality at ang Prima Stella na mag-decide kung ano ang nababagay na movie para sa kanya.

May mga nanghuhula ring baka dito na ipa-partner sa kanya si JK Labajo na very open naman sa pagsasabi ang batang rakista na si Maureen ang kanyang ‘buwan’.

Siya nga raw ang tinutukoy na ‘buwan’ sa sikat niyang kanta.

Pero marami rin ang nag-react na mas mabuting hayaan na raw sa pagkanta si JK dahil sa attitude niya, hindi raw puwede sa kanya ang pag-aartista.

May narinig din kasi kaming nag-attitude daw itong si JK sa nakaraang Lubao Hot Air Balloon Festival na kung saan isa siya sa mga performer doon.

Kaya baka hindi lang daw makatulong itong si JK sa pagsisimula ni Maureen sa kanyang acting career.

So far, ang in-assure lang ng taga-Reality sa amin ay may gagawin daw si direk Erik Matti na isang pelikulang pagbibidahan ni Maureen.

I’m sure, susuportahan ng mga Eat Bulaga Dabarkads itong pagpasok ni Maureen sa pag-arte.

Arnell kumulo sa pang-aapi sa mga morena

Ang latest na narinig ko sa mainit na pinag-usapang isyu ng isang produktong pampaputi, kakausapin ni Arnell Ignacio kasama ang mga taga-Juan Movement itong ad agency at ang may-ari nitong produkto para ayusin ang ginawa nilang discriminatory ad sa mga morena.

Nagngingitngit si Arnell nang makatsikahan nam sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Lunes ng gabi dahil hindi raw talaga fair yung sinasabing kapag morena o maitim ka ay hindi ka favored at parang sinasabing mas lamang kung maputi ka.

“Saan naman nila naisip na kailangang ikahiya mo ang pagiging maitim mo eh iyun talaga ang kulay ng isang Pinoy?”

Kahit nag-sorry na ang ad agency at ang mga taong nasa likod nitong produkto, kailangan pa rin nilang ayusin ang ginawa nila sa ad na iyun.

Napag-alaman kasing hindi pala in-approve ng ASC ang nasabing ad pero itinuloy pa rin nila ang paglabas.

Parang gusto lang ng produktong ito na mapansin ang kanilang binebenta na kahit negatibo ang dating ng natu­rang ad, at least napansin at nagkaroon ng awareness na may ganun palang produkto.

Sabi nga ng ilan, dahil daw sa ginawa nito, may ilang celebrities na raw na nagsasabing hindi nila i-endorse ang naturang produkto kung sakaling kunin sila.

Kara Mia nakakawindang

Gusto pa rin pala ng mga televiewers na magkahiwalay at hindi na pagdikitin sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).

Nakakaloka kasi ang twist sa kuwentong ito ng Kara Mia dahil kapag nagdidikit sila sa umaga, nabaligtad naman ngayon.Nasa likod na si Kara at sa harap naman si Mia.

Kaya abangan ang labanan ng team Kara at team Mia sa kakaibang kuwentong ito sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

MAUREEN WROBLEWITZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with