AiAi balik-mainstream sa Sons...
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2019 - 12:00am

Mula pa noon, pinaghahandaan ng mga movie producer ang Mother’s Day kaya madalas na may malaking pelikula para sa special day ng mga nanay kaya hindi kataka-taka na ang Sons of Nanay Sabel ang pinili ng Viva Films na ipalabas sa mga sinehan sa May 1 bilang Mother’s Day offering.

Sana naman maging malakas ang Sons of Nanay Sabel dahil bihira nang gumawa ng movie si AiAi Delas Alas.

Lately, mga art film na ang ginagawa niya na nagbigay sa kanya ng mga international acting award kaya marami ang looking forward sa Sons of Nanay Sabel na bongga at nakakatawa ang trailer.

Kasama ni AiAi sa pelikula ang kanyang mga alaga, ang Ex Batallion na in fairness, kilalang-kilala at tinitilian ng millennials sa kanilang mga gig.

Si Mel del Rosario ang sumulat ng script ng Sons of Nanay Sabel. Si Mel din ang writer ng Ang Tanging Ina, ang blockbuster movie ni AiAi noong 2003 kaya naging movie series ito.

Gamay na gamay na nina Mel at AiAi ang isa’t-isa kaya may hatid na suwerte ang tambalan nila bilang writer at artista sa kanilang nakaraan na successful projects.

Masuwerte ang Ex Battalion dahil si AiAi ang manager nila kaya nagkaroon sila ng launching movie.

Nakadagdag sa suwerte ng Ex Battalion ang magandang playdate ng Sons of Nanay Sabel.

Mapapanood ang unang pelikula ng Ex Battalion sa cinemas nationwide simula sa May 1 na isang dream playdate ng mga producer dahil holiday sa buong Pilipinas at katatapos lang ng suweldo kaya may datung ang mga tao.

Mother Lily hindi nawawalan ng presentation tuwing Mother’s Day

Noong dekada ’80, hindi nawawalan ng Mother’s Day presentation ang Regal Films ni Mother Lily Monteverde dahil talagang pinipilahan sa takilya ang lahat ng Mother’s Day movie niya tulad ng Oh My Mama at To Mama with Love na pinagbidahan ni Maricel Soriano.

Bongga ang big promo ng mga Mother’s Day movie ng Regal Films sa GMA Supershow, ang Sunday noontime show ni Kuya Germs na sikat na sikat noon.

Kapag may mga pelikula na ipalalabas sa mga sinehan, it’s a must na mag-promote sa GMA Supershow para matiyak ang box office success ng project.

Sa tuwing may Mother’s Day movie ang Regal Films, ang Araneta Coliseum ang madalas na venue ng GMA Supershow para ma-accommodate ang libu-libong fans. Hindi katulad ngayon na hindi nawawala ang mga mall show sa promo ng mga pelikula dahil imbes na ang mga artista ang puntahan ng fans sa mga lugar na malalayo, sila na ang lumalapit sa kanilang mga tagahanga.

Boyet and Sandy bibida sa Bridal Fair

Sa susunod na buwan na ang Bridal Fair na magaganap sa Mega Trade Hall ng SM Megamall.

Ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong ang mga mukha o celebrity ambassadors ng Bridal Fair sa May 24, 25 at 26.

Kung natatandaan ninyo, nagpunta sina Boyet at Sandy sa Vietnam para sa kanilang sosyal na Bridal Fair pictorial.

Ang De Leon couple ang one and only choice ng mga organizer ng Bridal fair dahil sa kanilang ideal and almost perfect relationship bilang mag-asawa na magandang ehemplo sa lahat.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with