^

PSN Showbiz

Jennylyn nagsalita sa pagli-live in nila ni Dennis

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn nagsalita sa pagli-live in nila ni Dennis

Pagkatapos ng The Cure, matagal-tagal din bago nasundan ng TV series si Jennylyn Mercado sa GMA-7.

Ngayon lang siya uli babalik sa GMA Tele­babad sa bagong romcom series na Love You Two kasama si Gabby Concepcion.

Kuwento ni Jennylyn, nung mga unang araw ng taping nila ay kabadung-kabado raw siya dahil ngayon lang niya makakatrabaho si Gabby.

“Natatakot ako nung una, kasi kinakabahan ako. Siyempre Gabby Concepcion yan eh.

“Nung nakatrabaho ko na, nung unang mga eksena ko, talagang nabubulol ako, hindi ko ma-memorize ang linya ko,” kuwento ni Jennylyn sa mediacon ng natu­rang serye kamakalawa ng gabi.

Sir Gabby pa nga raw ang unang tawag niya, kasi hindi raw niya alam kung ano ang itatawag niya.

Ngayon ay okay na sila at Kuya na nga ang tawag ni Jennylyn.

Kahit medyo matagal-tagal bago nasimulan itong Love You Two, naging abala naman si Jennylyn sa ilang negosyong nasimulan niya.

Siyempre, inspired pa siya dahil kasama niya si Dennis Trillo sa mga nasimulang negosyo.

Maganda ang bentahan ng cookies niya na minsan ay kasama niya si Dennis sa pagbi-bake.

Lahat daw kasi na negosyo niya ay kasos­yo niya ang Kapuso actor.

“Lahat naman na mga project na ginagawa ko, yung mga business na ginagawa ko, lahat yun partner ko si Dennis,” pakli ni Jennylyn.

Kaya sinundan ko ng tanong kung nagli-live-in na ba sila dahil madalas naman silang magkasama. “Ay hindi po,” mabilis niyang sagot.

Madalas lang daw na pumupunta sa kanya si Dennis, pero may sariling bahay naman ang nobyo.

Meron nga raw silang inaayos ngayon na magandang negos­yo na malapit na ring i-launch. Ayaw lang sabihin ni Jennylyn kung ano ito, dahil may hiwalay na launch daw ito.

“Makikita mo siya soon sa store, it’s gonna be a very big business,” singit ni Katrina Aguila na nagha-handle kay Jennylyn.

Mas mabuting mag-focus daw muna sa Love You Two dahil sa April 22 na ito magsisimula pagkatapos ng Sahaya.

Clint bantay-sarado, pero pumiyok sa babaeng nahuling kahalikan

Doon pa rin sa presscon ng Love You Two, matindi ang pagbabantay sa bagong Kapuso talent na si Clint Bondad.

Bawal kasi itanong ang mga isyu na pinagdaanan niya, lalo na ang

tungkol sa kanila ni Catriona Gray at itong latest na kumalat na video na may kahalikang girl sa isang bar.

Naisingit pa rin na­ming itanong ito kay Clint, pero itinanggi niya.

“Hindi ako yun eh. Hindi ako nag-iinom eh,” nakangiting sagot ni Clint.

Sanay naman daw siya sa intriga, pero mas mabuting mga positibong bagay na lang daw ang iisipin niya.

“Basta positive outlook eh. Basta masaya,” sabi pa ng hunk model at bagong Kapuso actor.

Tinanong na rin naming ngayong nasa showbiz na siya, ano ang payo sa kanya kung paano i-handle ang mga ganung intriga.

“Masaya naman ako palagi eh. How can I complain? I’m always positive naman,” safe niyang sagot sa amin.

Feeling ni Clint, masuwerte siya na sa unang project na gagawin niya sa GMA-7 ay si Jennylyn Mercado na ang kasama niya.

Kaya tinanong namin kung crush ba niya ang bida ng Love You Two?

“She’s my sister. Parang sister siya for me. In a nice way, yeah of course! Who’s not crushing over Jennylyn?

“She’s very beautiful and super nice person.

“I mean you know, imi-meet mo siya talaga sa set, always friendly, always

nice, always smiling. She’s my idol,” napapangiti niyang sagot sa amin.   

Maine walang masabi sa Darna

Mainit pa ring pinag-uusapan ang Darna dahil active ang netizens sa usaping ito. Ilan sa stars na talagang pinag-uusapan ay sina Nadine Lustre, Pia Wurztbach, Maine Mendoza at Sarah Geronimo.

Sila ang madalas na binabanggit sa mga balitaktakan sa online showbiz sites at social media na gustung-gusto nilang mag-Darna kapalit kay Liza Soberano.

Kung si direk Erik Matti ang tatanungin, gusto niya si Nadine.

Si Pia naman ay gusto raw niyang mag-Darna, pero sabi ng karamihan mas bagay kung Pinay talaga ang dating at morena, gaya nina Maine at Sarah.

Bukod kay Maine na isang Kapuso, lumalabas din si Jennylyn Mercado at Sanya Lopez.

Hiningan namin ng reaksyon si Jennylyn nang humarap ito sa mediacon ng bagong romcom series niyang Love You Two ng GMA-7.

Sabi ni Jennylyn; “Hindi ko po masyado nadi­dinig yan. Siyempre, kung isa po ako sa nababang­git, flattering naman po yun.”

Sinubukan din naming hingan ng reaksyon si Maine, pero wala pa kaming nakuhang sagot nang tinanong namin ang manager niyang si Rams David.

Text lang ni Rams sa amin: “We don’t want to comment po, pero salamat sa mga nakaisip na puwede siyang mag-Darna and honor para sa isang artistang babae ang mabigyan ng ganyang chance.

“Si Maine lang ang makakasagot ng mahiwagang tanong. I will ask her po sa tanong na kung ano ang masasabi niya na may clamor na siya ang ma­ging Darna. Maraming salamat po.”

Wala pa namang statement o announcement tungkol sa kung sino na ang napili ng Star Cinema.

Balitang magpapa-audition na lang daw sila ng bagong mukha. 

JENNYLYN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with