_ngayon
^
Buhok ni Jessy Mendiola pini-peg ng mga sawi sa lovelife
Jessy

Buhok ni Jessy Mendiola pini-peg ng mga sawi sa lovelife

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2019 - 12:00am

Marami ang nagugulat na hindi lamang ipinaputol ng maiksi ni Jessy Mendiola ang kanyang buhok, pinakulayan din niya ito.

Marami tuloy ang nagtatanong kung may kinalaman ba ang boyfriend niyang si Luis Manzano sa kanyang new look na in all fairness ay binagayan niya at lalo pa siyang gumanda.

Maraming babae ang pinagdidiskitahan ang kanilang buhok kapag nagkakaproblema sa kanilang lovelife.

Pero, walang ganitong problema ang magdyowa. ‘Di ba andun si Jessy sa burol ng ina ni Cong. Vilma Santos Recto, lola ni Luis at tumulong sa pag-aasikaso ng mga dumating sa lamay.

Luis Mom appreciates Jessy’s kind gesture kaya pawang papuri at magagandang salita ang sinasabi nito tungkol sa kanyang mamanugangin. Hindi natin napapansin, sunud-sunod ang mga movies ni Jessy which only goes to show na marami pa rin ang nagtitiwala at naghahanap sa kanya. 

Magagandang commercial nakakawala ng inis

Enjoy na enjoy ako sa TVC ng Arla cheese spread na kung saan ay nagsasabi ang isang anak sa kanyang ama na gusto niyang magkaro’n ng aso. Ayaw ni padir dahil allergic daw siya sa aso. Nakakatuwa ang reply ng kid na “It’s alright dad, you can sleep somewhere else”.

Okay din yung Lucky Me Pancit Canton showing how a child wants badly to eat noodles kaya he’s willing to clean the house, bathe their pets. In the end his mother settles for a kiss. Sana ganito kagaganda yung mga TVC natin para hindi tayo nabubugnot.

Bong ‘di na dapat binalikan ang pulitika?

Ngayon pa ba magsasalita ang senatoriable na si Bong Revilla na narurumihan siya sa sistema ng pulitika ng bansa? Syempre itatanong mo na kung yun ang kanyang nararamdaman eh, bakit binalikan pa niya ang pulitika matapos siyang tratuhin dito ng hindi maganda? Tsk. Tsk. Tsk.

‘Pagpapamilya’ nina Julia at Coco, pinapaboran

Sobra na kasing matagal ang pagkawala ni Julia Montes sa eksena ng showbiz kung kaya hinihinalang nagbuntis siya’t nagsilang ng anak sa bansa ng kanyang ama. Ang nakakagulat parang wala namang ibinibigay na masamang epekto sa kanila ni Coco Martin na siya itinuturong ama ng kanyang anak. 

Pero, bakit nga ba dedma lang ang lahat? Kompirmasyon lamang ba ito ng matagal na nilang pinaniniwalaang relasyon ng dalawa? Walang reaksyon kung galit sila o hindi sa balita. Mas marami ang gustong sana ay totoo nga ang balita. Pareho namang nasa edad na ang dalawa. Ganun?!

JESSY MENDIOLA JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with