^

PSN Showbiz

Male personality biglang ginhawa, seryoso ang pagmamahal sa beki!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nakapagtataka kung isang araw ay nagpapatayo na ng bahay sa kanilang probinsiya ang isang male personality. Hindi na rin dapat pagtakhan kung biglang nagnenegosyo na ang kanyang pamilya.

Kung ang ibang tao ngang lumalapit sa kanyang karelasyon ngayon ay hindi nito binibigo at pinaaalis nang luhaan, siya pa kaya ang makayang tiisin ng super-yamang minamahal niya, hindi puwedeng mangyari ‘yun.

Kuwento ng aming source, “E, ano naman ngayon kung sinusuportahan man ni ____(pangalan ng sikat na gay personality) ang pamilya ni ____(ang bumibidang male personality sa kuwento)?

“Una, hindi kayang bayaran nang kahit magkano ang kaligayahan ngayon ng beki, maligayang-maligaya siya ngayon dahil mukhang natagpuan na niya ang lalaking magseseryoso sa kanya!

“Palagi na lang kasi siyang nagagamit, pero pagkatapos siyang gamit-gamitin, iniiwan lang siyang luhaan! E, itong male personality na karelasyon niya ngayon, super-seryoso sa relasyon nila!

“Malaki ang family ng male personality, siya lang ang inaasahan ng pamilya nila, although nagbabanat naman ng buto ang mga kapatid niya. Kung bigyan naman ng suporta ng beki ang family niya, e, ano ang problema?

“Pera niya namang pinaghirapan ‘yun, siya ang may karapatang pumili kung saan niya gustong mapunta ang kayamanan niya! Natural, hindi niya hahayaang maghirap ang kalooban ng mahal niya, di ba?” simulang kuwento ng aming source.

Positibo ang dating ng male personality sa kanilang mga kasamahan sa trabaho. Minsan man kuno ay hindi nagparamdam ang guy na meron siyang matinding pader sa kanilang programa.

“Mabait kasi ‘yung guy, very consistent siya. Kung ibang lalaki lang‘yun? Naku, siguradong magyayabang na, magpapaimportante na, dahil pader ang sinasandalan niya sa show nila!

“Pero natural siyang nice, never siyang nagbago mula nu’ng maging sila na ng pader sa career niya ngayon. Professional siya, dumarating sa tamang oras kahit puwede na siyang magpa-late ngayon, dahil ang love nga niya ang nagdedesisyon sa show!

“Walang galit sa guy, kung meron man, e, inggit lang ang dahilan nu’n dahil siya ang masuwerteng nakarelasyon ng super-yamang beki!

“Ayun! Ayun lang naman! Ayun lang talaga! Mabait ang male personality, marunong siyang makisama, kahit pa puwede na siyang magsuplado ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

May detalye pang sinasabi, Panganganak ni Julia, ayaw tantanan!

May kailangang linawin sina Coco Martin at Julia Montes. Mahabang panahon na silang pinag-uusapan kahit saan. Matindi ang ikot ng balita na nanganak na ang aktres at si Coco Martin ang itinuturong ama ng sanggol.

Wala namang masama kung totoo nga ang umiikot na kuwento, matagal na namang sila talaga, kaya lang ay napakapribado nilang dalawa kapag tungkol na sa kanilang relasyon ang nagiging tanong.

Nu’ng una ay nasusulat lang sa pamamagitan ng blind item ang sinasabing panganganak ni Julia. Pero nitong bandang huli ay pinapangalanan na ang aktres.

Tinutukoy na rin ngayon kung saang ospital nanganak si Julia, palaging nababanggit ang San Juan, sobrang inilihim daw ang kanyang pagsisilang.

Ang unang senaryong lumutang ay nagpunta sa Germany si Julia para makasama ang kanyang pamilya, pero maraming nagtataka, ganu’ng nasa ibang bansa ang aktres ay bakit dito naman sa Pilipinas sinasabing ipinanganak ang baby nila ni Coco Martin?

Sa haba na ng kanilang relasyon ay wala tayong narinig na anumang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa. Ngumingiti lang si Julia kapag kinukumusta sa kanya si Coco, ang aktor naman ay nananatiling matipid sa pananalita, katangian ng isang tunay na lalaki.

Pero wala namang lihim na naikukubli nang habampanahon. Kung totoo ngang nanganak na si Julia Montes ay lalabas at lalabas din naman ang katotohanan.

Irespeto na lang natin ang kanilang pananahimik, maaaring humahanap pa sila ng tamang panahon para akuin ang kuwento tungkol sa kanila, darating din ‘yun.

Siguradong maraming magiging maligaya para sa kanila, lalo na kay Coco Martin na kanaturalan na ang pagiging mabait-malapit sa mga bata, kaya ang sarili pa kaya niyang dugo ang ipagkakaila niya?

COCO MARTIN AND JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with