Yasmien at pamilya
Yasmien pinutakti ng pagbati sa pagtupad ng pangarap ng ina!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2019 - 12:00am

Tuwang-tuwa si Yasmien Kurdi dahil nakita raw niyang sobrang saya ng Mommy niya nang in-announce sa graduation na isa siya sa pinarangalang Magna Cum Laude sa kursong BS Political Science sa Arellano University.

Ginanap ang graduation sa PICC nung nakaraang Sabado, April 6 at kumpleto raw ang buong pamilya na dumalo kaya masayang-masaya siya. Yung Papa lang niya ang kulang dahil nasa Lebanon ito.

Pero, kaya raw sobrang saya niya dahil natupad na rin daw ang pangarap ng Mommy niya na makapagtapos siya ng pag-aaral.

“Finally, dream come true na siya,” text sa akin ni Yasmien nang ipinadala niya sa akin ang graduation photos niya.

Pinutakti nga nang pagbati ang Kapuso actress pagtapos makita sa social media na naka-graduate na siya at Magna Cum Laude pa.

Kahapon ay back to work na si Yasmien sa taping ng daytime drama niyang Hiram na Anak.

Dapat ay Sabado ang taping nila, kaya lang dahil sa graduation niya, inilipat muna ng Linggo. Sa Clark sila nag-taping.

Mas marami raw aabangan sa kuwento ng Hiram na Anak dahil meron daw major character na mamamatay sa kuwento.

Mark planong bumawi sa anak

Isa sana sa gustong gawin ni Mark Herras ngayong single na siya ay magkaroon ng panahon para sa kanyang anak.

Naungkat ang isyu sa kanyang anak dahil sa kuwento ng afternoon drama niyang Bihag na tumatalakay sa kuwento ng isang ina na lahat gagawin para sa kaligtasan ng kanyang anak.

Bilang ama ay gagawin naman daw niya lahat para sa kanyang anak.

Hindi lang daw siya yung tipo ngayon na ipinu-post sa social media ang gusto niyang mangyari sa kanyang anak. “Gusto kong maging maayos ang relationship ko with the kid,” pakli ng Kapuso actor.

Hindi lang niya sinagot kung okay ba sila ng Mommy ng anak niya pero nilinaw niyang hindi dahil sa relasyon niya noon kay Winwyn Marquez kaya wala na siyang panahon para sa kanyang anak.

May ibang dahilan, may ibang isyu kaya hindi niya nakikita ang kanyang anak.

“It’s not because of the relationship, but because of something else na may ibang isyu,” maingat na sagot sa amin ni Mark nang inungkat namin itong tungkol sa kanyang anak.

“Sa ngayon honestly, hindi ko pa nakakasama uli yung bata. I’m hoping anytime soon lalo na ngayon na puro trabaho muna ang gagawin ko,” dagdag na pahayag niya.

Hindi pa niya masasabi kung kailan, pero gagawan daw niya ng paraang maging okay sila uli ng kanyang daughter.

Jak pinaglawayan sa inilantad na bukol!

Pinagpiyestahan ng kabadingan ang ipinost ni Jak Ro­berto sa kanyangInstagram account na kung saan naka-shorts lamang siya, pero kitang-kita ang nakabakat na parang nakatukod sa ilalim ng shorts.

“Pa-yummy bro? hahaha!” ang comment talaga ni Derrick Monasterio na alam nga niyang yummy si Jak sa post niyang iyun.

Sa totoo lang, lalong naging yummy nga si Jak kaya naman iyun ang laging napapansin ng mga sumusubaybay sa Kara Mia.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with