Paolo
Paolo hindi pa rin nagsusustento sa dalawang naunang anak
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2019 - 12:00am

Ganap nang Kristiyano ang three-month old baby girl ng mag-partner na Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer Ayanna matapos itong binyagan last Saturday, April 6.

Si Paolo ay may dalawa ring anak na parehong babae sa kanyang ex-wife na si Lian Paz na sina Xalene at Xonia at kasalukuyang naka-base sa Cebu kasama ang bago niyang partner na si John Cabahug. May anak na rin ang dalawa, si Nina Angela na halos tatlong taong gulang na.

Sina Xalene at Xonia ay parehong consistent honor students sa school na pinag-aralan dati nina Lian at partner nitong si John at hindi ikinakaila ng ex-wife ni Paolo na wala umanong financial support na natatanggap ang da­lawang bata mula sa kanilang ama.

Paghahanap sa susunod na Darna umpisa na!

Sa darating na Miyerkules, April 10 ay magkakaroon ng audition ang Star Cinema sa susunod na gaganap sa iconic character na Darna matapos magkasunod na umatras sina Angel Locsin at Liza Soberano para gampanan ang title role.

Ang audition ay gaganapin sa ELJ Bldg ng ABS-CBN mula alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon. Ito’y bukas mula sa edad na 20 hanggang 26, physically fit, maganda, excellent ang acting, sporty at physically active. Ang may background ng combat sports ay isa nang advantage ng mag-o-audition.

Pinoy contestant sa AGT pasok  sa grand finals!

Tatlong Filipino acts  na naman ang pasok sa grand finals ng ikatlong season ng Asia’s Got Ta­lent na ginaganap sa Singapore at kasama sa ma­kikipaglaban sa $100,000 cash grand prize. Ang mga ito ay ang hand shadow player na si Philip ‘Shadow Ace’ Galit, ang dance group na ­Ju­nior Good Vibes at ang acrobatic dance duo na Power Duo ng mag-partner na sina Anja­nette at Gervin.

Sa darating na April 10 at 11:59 p.m. (Singapore time) ang deadline ng pagboto sa official website ng Asia’s Got Talent.

Ang mga tumatayong hurado ng AGT ay sina David Foster, Anggun at Jay Park habang sina Alan Wong at Justin Bratton naman ang hosts.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with