LJ at Paolo
Paolo at LJ nagpabinyag!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2019 - 12:00am

Pinabinyagan na nina Paolo Contis at LJ Reyes ang anak nilang si Summer Ayanna kahapon ng hapon sa Parish of the Hearts of Jesus and Mary sa West Triangle Quezon City.

Pagkatapos sa Catholic Church, tumuloy sila sa Winford Hotel sa Maynila, para sa Dedication sa mga Christian.

Ilan sa mga taga-showbiz na ninong at ninang na dumating sa simbahan ay sina Chariz Solomon, Sef Cadayona at si Jamir Garcia ng bandang Slapshock.

Kabilang din sa mga ninong at ninang ay sina Dingdong Dantes, Gio Alvarez, Gerald Napoles, at Archie Alemania. Hindi lang ako sure kung dumating sila sa Winford.

Doon sa binyag ay napansin namin ang sobrang paglalambing ng anak ni LJ na si Aki sa kanila ni Paolo.

Panay ang yakap niya kay LJ, at pati kay Paolo. Halik siya nang halik sa baby.

Sabi nga ni LJ; “Super talaga siyang maglam­bing. Hindi lang sa akin, pati kay Summer.”

Wala kasi silang yaya, dahil gusto talaga nina Paolo at LJ na personal silang mag-aalaga sa kanilang anak.

Kaya pagkauwi ni Paolo galing taping o shooting, hindi na raw siya nagpapahinga, siya na raw ang mag-aalaga sa baby.

Direktor napag-tripan ng produ naghahanap ng pagkakakitaan!

Awang-awa ang ilang production staff sa isang direktor na maayos naman ang mga nagawang indie films at soap sa TV.

Hindi na niya natagalan ang pambabastos sa kanya ng producer na katrabaho niya sa isang soap na nag-rate naman. Harap-harapan daw kasi, pinapabago ng producer ang ilang eksena na wala siyang pakialam kung mainsulto si direk.

Hindi na raw natagalan ni direk ang ilang komentong naririnig niya sa producer, kaya naiiyak na lang daw siya. Ramdam ni direk na gusto siyang patalsikin sa soap nito, pero hindi lang siya masabihan nang diretso.

Kaya nag-resign na lang siya na kaagad namang tinanggap ng mga executive producer. Nagtataka ang ilang production staff, dahil maayos naman daw ang mga gawa ni direk.

Maaring hindi lang daw talaga siya type, kaya harap-harapan na nila itong iniinsulto.

Pagkatapos mag-resign ni direk sa soap na iyun, nawalan na siya ng trabaho.

Minsan ay kinukuha siyang magdirek ng ilang episodes ng mga weekly drama anthology, pero hindi naman madalas. Kaya medyo kinakapos na si direk.

Gusto pa niyang magtrabaho, kaya nagpaparating na ito ng mensahe sa ilang executive producers na baka puwede siyang kunin kahit mag-segment producer.

Okay lang daw sa kanya na bumaba na bigla ang position, dahil wala naman directorial jobs na binibigay sa kanya. Kesa naman magutom siya.

Atom inililihim pa ang tatanggaping award

Ayaw pa munang i-announce ng mga taga-GMA News and Public Affairs kung anong award ang tatanggapin ni Atom Araullo sa Amerika.

Sa Martes pa raw nila i-announce kasabay nang paglipad ni Atom patungong Las Vegas.

Basta major award daw itong tatanggapin niya kaya excited silang lahat sa pagtanggap na ito ng Kapuso multi-awarded journalist, kaya abangan na lang daw ang announcement.

Gusto raw muna nilang mag-focus sa bagong online newscast na Stand for Truth.

Kakaibang reporting daw ang mapanood nila rito na ihu-host ni Atom kasama ang magaling na political analyst na si Richard Heydarian at magaling ding host na si Joyce Pring.

Kasama rin nila ang mga batang reporter  na ang ilan sa kanila ay mga vlogger, campus journalist na kapang-kapa ang gusto ng mga millennial.

Sa April 15 na ito magsisimula mula Lunes hanggang Biyernes ng 8 nang gabi.

LJ REYES PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with