Billy
Billy binuhay ang Pokemon
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2019 - 12:00am

SEEN: Labing-apat na Kapamilya stars at 13 na Kapuso stars ang lumahok sa A World at Prayer is a World at Peace project nina Archbishop Soc Villegas at Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda. Layunin ng advocacy na himukin ang lahat na magdasal para lalong tumatag ang relasyon natin sa Diyos at umiral ang kapayapaan sa buong mundo.

SEEN: Tagumpay ang The Cr3w, ang concert nina Billy Crawford, Sam Concepcion at James Reid sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes, April 5. Muling nasilayan ng concertgoers ang husay ni Billy bilang performer. Nagustuhan ng audience ang pagkanta nina James, Billy at Sam sa mga old hit song nila. Wild ang reaksyon ng audience nang kantahin ni Billy ang theme song ng Pokemon The Movie na ni-record niya noong 1999.

SCENE: Buwis-buhay ang aerial dance ni Coleen Garcia sa The Cr3w at well-applauded ang Bungee cord dance ni Sam. Sina Coleen, Yassi Pressman at Nadine Lustre ang special guests sa concert.

SEEN: Si Gardo Verzosa ang featured guest sa Yayo Aguila episode ng Dear Uge na mapapanood ngayong tanghali sa Sunday afternoon comedy anthology ni Eugene Domingo.

SCENE: Nabawasan na ang basher ni AiAi delas Alas mula nang ibulgar nito na nadiskubre na niya ang identity ng tao na pasimuno sa mga paninira sa kanya. May koneksyon din sa showbiz ang tao na tinutukoy ng Comedy Queen.

SEEN: Nakikipagmatigasan si ER Ejercito sa Sandiganbayan 4th Division na naghatol sa kanya ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong dahil sa graft case niya noong 2008.  Hindi nagbabago ang paniniwala ni ER Ejercito na may kinalaman si former President Noynoy Aquino sa hatol sa kanya.

BILLY CRAWFORD COLEEN GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with