Yasmien
Yasmien ga-graduate na Magna Cum Laude,
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2019 - 12:00am

Panggulat sa asawa at ina

Ngayong araw na magma-martsa si Yasmien Kurdi na nag-graduate sa kursong Political Science sa Arellano University.

Ang dami nga ng bumilib sa Kapuso actress dahil napagsabay niya ang pag-aaral sa sche­dule niya bilang artista.

Gusto lang daw niya talagang makapagtapos ng pag-aaral dahil ipinangako niya ito sa kanyang Mommy.

Kaya pinakiusapan niya ang Mommy niya na dapat ay dumalo ito sa graduation niya ngayong araw sa PICC.

Meron kasing surprise si Yasmien para sa Mommy niya na ang gusto niya ay ito ang umakyat para magsabit ng medalya niya.

“Siyempre masaya po ako na finally, natapos na rin sa hinaba-haba ng taon natapos na rin ako.

“Meron akong surprise para sa Mom ko this Saturday na hindi ko ini-expect na makukuha ko sa graduation. Kaya, sobrang excited ako sa magaganap sa Sabado,” saad ni Yasmien nang tsinika namin ito sa phone habang nagti-taping siya sa Hiram na Anak.

Ayaw lang sabihin ni Yasmien kung ano ang honor na nakuha niya dahil ang gusto niya ang Mommy niya at ang asawa’t anak ang makakaalam.

Ang narinig namin, ga-graduate siyang Magna Cum Laude, pero ayaw lang niyang kumpirmahin at baka mabalitaan pa raw ng Mommy niya sa iba.

“I-post ko na lang po pagkatapos ng graduation,” sabi ni Yasmien.

Kaya proud din ang GMA-7, lalo na ang mga kasamahan niya sa Hiram na Anak dahil nakikita naman daw nilang nahirapan itong pagsabayin ang trabaho sa pag-aaral.

“Gusto ko rin po kasi ma-inspire ang ibang tao lalo na sa mga working students na never give up lang po.

“Hindi rin siya talagang madali for you. Nakakapagod naman talaga kung pagsabay-sabayin mo. Pero kung meron ka talagang gustong gawin, wala naman talagang imposible,” dagdag niyang pahayag.

Hindi pa alam ni Yasmien sa ngayon kung itutuloy pa niya ang pag-aaral. Gusto raw niya kasing tumuloy sa Counselor Diplomatic Service. Pero pinapakiramdaman pa niya kung kakayanin dahil halos araw-araw daw siyang nagti-taping sa Hiram na Anak, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga.

Tom aminadong may sex video, ginawa nung nasa Amerika Pa!

Proud si Tom Rodriguez sa bagong pelikula niyang Maledicto na magsu-showing na sa May 1.

Horror movie ito, at ang role niya ay isang pari na first time pa lang daw niyang nagawa.

Relihiyosa raw kasi ang Mommy niya, kaya tinawagan daw niya ito dahil tiyak na matutuwa raw ito.

Kaya lang kakaibang pari raw ito na may pagka-bastos, kaya magulat daw ang Mommy niya.

Kahit tungkol sa role niya bilang pari ang kinukuwento ni Tom, naisingit pa rin namin ang mainit pa ring pinag-uusapang sex video scandal.

Malay mo baka nga meron ding ginawa si Tom. Natawa lang ang Kapuso actor dahil hindi naman niya itinatanggi na nakagawa raw siya nung nasa Amerika pa siya, at bagets na bagets pa.

Hindi pa nagwu-worry si Tom na baka mag-leak ito at kumalat.

“Sana wala!” natatawang sagot sa amin ng Kapuso actor.

“Siguro when I was younger. I had my relationships yung long distance na parang online, sana wala. Pero yahoo messenger time pa yun, sana wala!” natatawa pa rin niyang kuwento sa amin.

Ang haba ng paliwanag ni Tom kung paano ito lumalabas kahit very private sana ito.

Masyado kasi siyang techy, at masalimuot ang mga term na binabanggit kung paano makuha ang mga private video mo.

“You know pag may remote access terminal yung laptop or even your phone? If I get a root kit on this? I can turn on your microphone, and I can turn on your camera and watch you wherever you are,” bahagi ng mahabang paliwanag ni Tom.

Hindi naman niya pinangarap na gamitin pa itong video scandal para ma-promote lang ang pelikula niyang Maledicto.

Natutuwa naman daw siya sa pelikulang ito dahil magkakaibigan daw silang lahat sa movie gaya nina Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo at Inah de Belen.

Kahit horror ang naturang pelikula, sobrang cool naman daw ang pagkadirek ni Mark Meily.

Itong Maledicto ay prinodyus ng Fox Networks Group Philippines kasama ang Cignal Entertainment at Unitel.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with