Jaya
Jaya idol na idol ang MayWard
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2019 - 12:00am

Mula noong nasa Pinoy Big Brother house pa lamang ay sinusu­baybayan na raw ni Jaya sina Maymay Entrata at Edward Barber. Nagsimula ang paghanga ng singer sa dalawa dahil sa kanyang mga anak. “’Yung mga anak ko kasi faney ng MayWard. ‘Pag gabi nanonood kami ng PBB. But I really like these two as ‘yung normal nila, as themselves. Mabait, grabe ‘yung Maymay at Edward,” nakangiting kuwento ni Jaya.

Para naman sa tambalang MayWard ay isang malaking karangalan na hinahangaan sila ng Soul Diva. “Kahit nasa ganitong level na po siya pero ‘pag kausap n’yo po siya, hindi niya ipapa-feel sa inyo na diva siya. Maraming salamat Ms. Jaya. churchmate din namin siya. We love you Ms. Jaya. Mahal na mahal ka namin at sa pamilya n’yo din po. You inspire us a lot,” pahayag ni Maymay.

“It’s such a great feeling that we have someone supporting us who’s as experienced and talented and as good as she is,” dagdag naman ni Edward.

Ayon kay Jaya ay hindi nagbago ang ugali ng dalawa kahit sikat na ring pareho ngayon. “Love you May and Edward. They’re so real and humble,” pagtatapos ng singer.

Joshua nabawi na ang pinambili  ng townhouse!

Kamakailan ay ginanap ang blessing ng bagong bahay ni Joshua Garcia na kanyang naipundar. Walang naging utang ang aktor sa pagbili ng townhouse dahil binayaran niya ito ng buo. “’Yung presyo huwag na nating pag-usapan, pero nabawi ko na ‘yon. Okay na ako do’n, nabawi ko kaagad pagpasok pa lang ng taon kasi may pumasok na tatlong endorsement. Binayaran ko ng cash ‘yon. Gift ko ‘yun sa papa ko,” paglalahad ni Joshua.

Ngayon ay nagpaplano na ang binata na makapagpundar ng isa pang bahay para naman sa kanyang sarili. “Next na ‘yung dream house ko. Hindi ko pa alam kung saan ko itatayo. Pero sa ngayon nasa ipon part na ako. Ang plano this year ‘pag nakaipon na ako, bago mag-end ang year, nakabili na ako ng bagong lupa,” giit ng aktor.

Samantala, kapag may pagkakataon ay sinisikap daw ni Joshua na makapag-exercise para mapanati­ling maayos ang kanyang kalusugan. “Parang tumatanda tayo and tatanda rin ako kaya hangga’t bata, gusto ko nakakapag-exercise ako kahit paano. Kasi hindi naman ako malabas ng bahay eh. Hindi ako active na tao. Wala ako masyadong sports. So kahit konting papawis lang okay na,” pagbabahagi ni Joshua. (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA PINOY BIG BROTHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with