Mga usisero dagsa sa burol ng ina ni Ate Vi!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2019 - 12:00am

Hindi pa rin napigilan ang fans na mag-usyuso sa burol ng ina ni Cong. Vilma Santos-Recto na si Ginang Milagros Santos.

Ipina-cremate muna si Mommy Mila bago binuksan for public viewing sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque.

Todo ang suporta ng Vilmanians, pero ang dami pa ring nakatambay sa labas ng chapel para mag-abang sa mga artistang dumarating.

Magkasama ang magka­sintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola na pumunta roon na pinagkaguluhan din ng fans.

Si Ryan Christian ang madalas na nag-iistima sa mga bisita. Minsan humarap din si Sen. Ralph Recto.

Ang dami ring Vilmanians ang kinikilig pa rin nang dumating si Edgar Mortiz para makiramay. Close daw kasi siya kay Mama Mila.

Natuwa si Cong. Vi dahil nung binuksan na nila ang burol, ang dami na raw agad nagpuntahan.

“Since this morning, as early as 7am, may mga pumupunta na kay Mama. Yung mga long-time friends na matagal mong hindi nakita, nagpupunta rito. Nakikita mo silang muli.

“Lalo na yung mga nagmamahal kay Mama. Ang ganda!

“Kaya I’m sure, masaya si Mama,” pahayag ni Cong. Vi.

Ang nakakatuwa pa, talagang tumutulong din sa pag-asikaso ang die hard fans ni Vilma na laging sumasama sa kanya.

Ang dalawang malaking fans club niyang Vilma Santos Solid International at Vilma Santos Friends Forever International ay halinhinan sa pagbabantay doon sa burol.

Sylvia aminadong buhay na buhay ang sex life!

Iniiwasan na nga ni Sylvia Sanchez na pag-usapan ang tungkol kina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Pati nga itong napabalitang panliligaw diumano ni JM de Guzman kay Ria Atayde ay ayaw na raw niyang sawsawan.

Kaya nga sa renewal ng kontrata niya bilang endorser ng Beautederm, hindi niya talaga sinasagot kapag me­rong Maine o JM sa mga tanong namin. “Beautederm na lang pag-usapan natin,” pakiusap ni Sylvia.

Proud lang siyang kinikuwento sa aming tuwang-tuwa raw ang dyowa niyang si Art Atayde dahil mag-48 years old na raw siya sa May 19, na-maintain pa rin niya ang ganda na pinagnanasaan ng asawa niya.

Kaya kapag tinatanong mo siya sa kanilang mga intimate moments, proud niyang inaaming hindi raw nawawala iyun.

Very active pa rin daw ang sex life nila ni Art.

“Hindi dapat mawala yun. Hindi ako mabubuhay pag wala yun,” game na game na sagot sa amin ni Sylvia.

Idinadaan lang daw ni Art sa pangangantyaw kapag pinupuri ang ganda niya. Kinakantiyawan daw siyang “Bea2utederm kasi yan!”

Feeling blessed si Sylvia na nakilala niya si Rei Tan ng Beautederm dahil nabuo raw ang maganda nilang friendship pagkatapos siyang kinuhang endorser ng mga beauty products nito.

Gary V. bina-balance na ang buhay

Hindi itinatanggi ni Gary Valenciano na dumaan siya sa matinding depression pagkatapos niyang dumaan sa Heart Bypass Surgery at na-diagnose pa siyang may Kidney Cancer.

Pero bumilib din daw ang mga mga doktor niya dahil sa mabilis ng healing niya pagkatapos siyang operahan.

Kaya lang, talagang na-depressed daw siya dahil hindi raw niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng operasyon.

Kuwento ni Gary V. sa presscon ng He’s Back: Gary V US Tour na ginanap sa Valencia Events Place kamakalawa ng tanghali; “Yung mga kaibigan ko, binigyan ako ng several days all-expense paid trip to a particular beach house sa may Tanauan, Batangas.

“In that place I was able to think, I was able to cry, I was able to pray. I was able to let God know my frustrations.

“Kasi yung questions in my head, hindi yung mga question na bakit ba to nangyari?

“The questions were, o ano ngayon? Baka bumalik? O baka may mangyari ulit? O ano ang gagawin ko ngayon? Those were the questions that I had in mind. At hindi lahat na mga tanong na ‘yun ay nasagot.

“I felt so much peace in my heart, and literally when I was driving home from that trip, I realized that there are so much life ahead of me, and I was only able to recover from that state of being depressed.”

Ngayon ay masasabing nakabalik na siya sa dating sigla at kayang-kaya na niyang mag-perform gaya ng ginagawa niya noon.

Kaya nga excited siya at pinaghandaan niya nang husto itong US Tour niya na magsisimula na sa April 12 sa Las Vegas.

“I think kaya ko na.

“You have to balance a lot of my time, my medication, my time in the gym. You know, my physical preparations for something like this.

“Kasi, it was bound to happen, it was bound to come with this tour.

“Pero, I think even kahit hindi ako nagkaroon ng mga health challenges last year, I think at my tender age of 54, I also have to be careful,” nakangiting pahayag ni Gary V.

Pagkatapos nitong sa Las Vegas niya sa April 12, nakatakdang mag-concert ang Mr. Pure Energy sa New York sa April 14.

Meron din siya sa Pittsburgh, California sa April 20, sa Los Angeles, California sa April 21, sa Seattle sa April 26 at sa Morongo sa April 28.

Special guests niya rito sina Jona at Katrina Velarde.

GARY VALENCIANO SYLVIA SANCHEZ VILMA SANTOS-RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with