Arjo
Sylvia Sanchez napabilib nang paninindigan ni Maine Mendoza si Arjo Atayde!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay tinanong ni Sylvia Sanchez ang anak na si Arjo Atayde kung bakit nagustuhan si Maine Mendoza. Nakaranas ng pamba-bash online ang aktor mula ng maugnay sa Kapuso actress.

“Nag-usap na kami ni Arjo, sabi ko, ‘Anak, bakit mo nagustuhan si Maine?’ Sagot ni Arjo, ‘Swak kaming dalawa eh, nagkakaintindihan kami.’ Napapatawa siya ni Maine. Mahal niya si Maine, mahal talaga ng anak ko si Maine,” nakangiting kwento ni Sylvia.

Kahit maraming narinig na hindi magagandang salita si Arjo ay hindi naman daw nito isinuko ang tunay na nararamdaman para kay Maine. “Hindi, anak siya ng tatay niya. Ilalaban ni Arjo si Maine. When in fact nilaban na,” makahulugang pahayag ng beteranang aktres.

Naipakilala na ni Maine si Arjo sa pamilyang nasa Sta. Maria, Bulacan pero hanggang ngayon ay hindi pa umano naipakikilala ng aktor sa pamilya ang dalaga. “Actually, hindi pa, kasi ang busy ko. Ang daming komentong namba-bash, ang da­ming bashers. Busy ako, busy si Maine. Tapos ang gulo-gulo, sabi ko kapag okay na, kapag relax na then go. Pero ang gusto kong ginawa ng anak ko, pumunta siya sa bahay ni Maine. Umakyat siya (ng ligaw) sa bahay ni Maine which is ginagawa talaga dapat ng lalaki. Which is gusto ko rin na ginagawa ng kahit sinong manliligaw sa mga anak kong babae. So maghihintay ako kay Arjo kung kailan niya dadalhin si Maine. Sinabi niya sa akin, ‘Mom, soon ipapakilala ko na siya sa inyo.’ Sabi niya sa amin ng tatay niya,” pagbabahagi ni Sylvia.

Matatandaang naging emosyonal ang aktres kamakailan dahil sa mga mapanirang salitang ibinabato ng netizens kay Arjo. Malaki raw ang pasasalamat ni Sylvia kay Maine dahil nagsalita rin ang dalaga tungkol sa tunay na estado nila ng aktor. “Nasa top ka, Maine Mendoza ka, hinahangaan ka, grabe ‘yung career mo at alam natin na puwedeng maapektuhan ‘to. Pero nilaban mo ang anak ko. Nagsalita din siya na, ‘We’re exclusively dating.’ Nagpapasalamat ako kasi ‘yon ang sinabi ng anak ko, sinegundahan niya. Ang daming nagsa­sabi no’n na nangangarap lang ang anak ko, masakit ‘yon para sa isang nanay Tito Boy (Abunda). Pero no’ng sinabi ni Maine ‘yon na parang, ‘Yes, exclusively dating kami.’ Masaya ako kasi hindi natakot si Maine. Pinanindigan niya ‘yung alam niyang tama,” pagtatapos ng aktres.

Empress negosyante na rin

Sumabak na rin sa pagnenegosyo ni Empress Schuck. Noong March 31 ay pormal nang binuksan ang King’s Cup Blends na pagmamay-ari ng aktres. Naisipan ni Empress na pa­sukin ang milk tea at frappe business dahil napapanahon daw ito. “Matagal na akong naghahanap ng business. Matagal na talaga naming pinag-aralan. So sabi ko why not? Kasi magsa-summer din naman, sobrang init sa Pilipinas. Wala pa rin namang gumagawa ng ganitong klaseng concept na may milk tea, may frappe. Tapos ‘yung sikat ngayon na parang Mango Graham. So we have it, everything  all in one cart na,” nakangiting pahayag ni Empress.

Kahit abala na sa pagiging negosyante ay hindi pa rin iiwan ng aktres ang pagtatrabaho sa harap ng kamera. Tatlong pelikula ang nakatakdang gawin ni Empress ngayong taon. “Hindi naman, I can do both naman. pwede namang pagsabayin, marami namang gu­magawa no’n. And this is just the first, marami pa tayong pwedeng gawin na business,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

ARJO ATAYDE EMPRESS SCHUCK MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with