Julia at Coco
Nanay ng actor, tsinitsismis sina Julia at Coco!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2019 - 12:00am

Aware kaya si Julia Montes na tsinitsismis siya ng nanay ng isa sa mga kaibigan at katrabaho niyang actor?

Ayon sa source, panay ang kuwento ng nanay ng isang actor na kaibigan ng maraming artista, na preggy diumano si Julia.

Yup, na ginagawa pa raw pa-blind item ang pagkukuwento sa umpisa ng nanay ng actor sa mga nakasabay niya sa isang branch ng pinupuntahan niyang bangko.

Siyempre verified ng source na nanay ‘yun ng actor dahil suki na raw ito sa nasabing branch ng bangko at ang lakas-lakas ng boses habang nagkukuwento.

At nang tanungin pa raw ng mga nasa bangko ang nasabing tsismosang nanay ng actor na obvious na Kapamilya rin siyempre kung kilala niya ang ama ng tsinitsismis niya, sagot diumano nito sino pa raw kundi si Coco Martin. 

Hahaha. Ang duda ang mga nakarinig sa kuwento ni ‘mother tsismosa’ baka naman ang mismong anak na actor ang nagkukuwento sa kanyang mother dear ng mga nangyari sa kanyang mga kaibigan.

Kaya naman aligaga ang mga nakarinig sa kuwento ni mother dear ng actor kung may basehan ba ang kuwento nito kasi parang ayon daw sa pagkukuwento nito, parang may alam ito talaga.

Or baka naman likas lang itong tsismosa at ang mga speculation din lang ang pinagbabasehan niya dahil wala naman talagang confirmation na nanggaling sa kampo nina Julia at Coco kung ano ba ang kanilang relasyon at lalo naman siguro ang isyung pagbubuntis pa nito.

Matagal-tagal na rin kasing nasa Germany ang young actress dahil ayon sa isang source ng ABS-CBN ay nag-aayos ito ng kanyang mga dokumento para maging dual citizen matapos ngang ma-trace ang kanyang ama na isang German at hindi raw ito totoong preggy at nanganak na.

Hindi ma-up date si Julia sa kanyang social media account at medyo matagal-tagal na kaya ayaw siyang tantanan sa bintang na diumano’y nanganak na.

Nanatili ngang tahimik sina Julia at Coco sa mga intri­gang kinasasangkutan nila at nauna nagpaabot ng message si Julia na ‘promote what you love instead of bashing what you hate.’ Disabled din ang comment section ng Instagram account ng actress na huling napanood sa Asintado last year.

Pero mas dapat mag-ingat ang mga kasamahan ng actor na ito sa kanya lalo na sa nanay niya.

Daig... naka-two years na

Wow, nakaka-two years na pala ang Daig Kayo ng Lola Ko ni Ms. Gloria Romero.

At magsisimula ngayong Linggo ang kanilang month-long cele­bration entitled Lola Enchanted.

Panoorin simula ngayong araw ang well-loved characters ni Alden Richards bilang si Nonoy na isang Pinoy Santa; Katrina Halili bilang Malek; Barbie Forteza as Genie Lyn; Jo Berry as Elma Santelmo; and Kiray Celis as Fairy Gosh Monkey, sa pagbabalik ng  mystic world ni Lola Goreng (Gloria Romero).

Ang Enchanted Queendom ay pinamumunuan ng mapagkawanggawa na si  Reyna Lola (Gloria).  At meron siyang tatlong spoiled na apo – Princess (Jillian Ward), Prince (David Remo) and Prinsesita (Chlaui Malayao) - na laging pinagsisimulan ng gulo kaya tinanggalan sila ng kapangyarihan at pinatira sila kasama ang kanilang tiyahin at pinsan.

Pero ano ang mangyayari kung may masamang balak ang isa sa mga pamangkin ni Reyna Lola para maangkin ang trono?

Magtagumpay kaya ito sa masamang misyon niya.

Naku bentang-benta ang mga kuwento nila sa mga bata lalo na nga at very Pinoy at madaling maka-relate ang marami. Hindi bago ang kultura at walang impluwensiya ng makabagong kuwento.

Dinidirek ito ni Rico Gutierrez at napapanood tuwing Linggo sa GMA Sunday Grande.

COCO MARTIN JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with