^

PSN Showbiz

Aminado, Arjo ‘stranded’ na kay Maine!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aminado, Arjo �stranded� na kay Maine!
Jessy and Arjo

Nakakahiya raw kay Jessy Mendiola, kaya nakiusap na si Arjo Atayde na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Maine Mendoza sa mediacon kahapon ng pelikula nilang Stranded ng Regal Entertainment.

Matipid na “Opo” ang sagot niya sa tanong namin, “kung stranded na nga ba ang puso niya sa isang tao lang at siya ang isa sa main purpose niya sa buhay?”

Nakiusap na rin siyang huwag na raw sanang pag-usapan pa si Maine dahil respeto na lang daw sa leading lady niya sa pelikulang ito, at personal na bagay naman daw iyun.

Pero nilinaw pa rin namin sa kanya kung more than ‘exclusively dating’ na ba ang relasyon nila ni Maine?

“Dun pa rin po. Eventually,” sagot niya sa amin.

Hiningan na rin namin siya ng reaksyon sa ibang fans, na maaring mga AlDub ang na­ging ArMaine na raw.

Medyo humupa na nga ang ma­tinding bashing, na hindi naman daw niya pinapansin.

Unti-unti na nga ba siyang natatanggap ng fans nina Maine at Alden Richards?

“We’re really happy na ano…but, wala naman ka­ming plano na sana magka-fandom.

“Wala namang ganun eh. It’s a personal thing, and has nothing to do with showbiz.

“That’s why as much as possible, I don’t want to talk about it right now. I also have respect to Jessy (Mendiola), so, let’s stick to the movie na lang po,” pakiusap uli ni Arjo.

Kaya sa iba pang tanong na nakitang sinamahan daw niya si Maine sa Guillermo Mendoza Awards night, pero nasa dressing room lang daw ito nagbantay, “What you see is what you get” na lang ang sagot niya.

Sa ngayon ay puspusan muna ang promo ni Arjo sa pelikulang Stranded nila ni Jessy dahil sa April 10 na ang showing nito.

Jessy naiinip na sa career!

Doon pa rin sa mediacon ng Stranded, nilinaw na rin namin kay Jessy kung totoo bang may pag-uusap na sa posibleng paglipat niya sa GMA 7?

Naging usap-usapan na ito kamakailan lang na meron daw nakipag-ayos na lumipat siya sa Kapuso network pero tinanggihan ito ng Kapamilya actress.

Sabi lang niya; “Para sa akin po, kung mas may trabaho naman po dun, bakit naman hindi di ba? Pero, for now kasi I’m still in touch with ABS-CBN management.”

Aminado naman siyang medyo naiinip na siya dahil matagal na ring wala siyang show sa ABS-CBN, pero ngayon daw ay may plano naman daw sa kanya ang kanyang mother studio.

“Siyempre, naiinip po ako. Sino ba naman pong hindi. Pero kung naiinip ka man, eh di gumawa ka ng something productive o puwede mong kabisihan like yan ang business o kung ano pang medium na puwede mong ipakita ang sarili mo,” saad ni Jessy.

Isa na nga sa pinagka-abalahan ni Jessy ay ang maliit daw niyang online store na Señorita.

Iyun daw ang ibig sabihin ng isang post niya sa kanyang Instagram account na “old endings and new beginnings.”

Nilinaw din niya sa aming may bagong programa na raw na ibibigay sa kanya ang Kapamilya network.

Mark iniyakan din ng todo si Winwyn

Hindi pa masasabi sa ngayon ni Mark Herras kung posible silang magkabalikan ni Winwyn Marquez.

Mas gusto raw kasi niyang ituon ang sarili niya sa trabaho, kaya thankful siya sa GMA 7 na ibinigay sa kanya ang magandang role sa bagong afternoon drama ng GMA na Bihag na magsisimula na sa April 1, Lunes ng hapon.

Ang maganda lang daw sa break-up nila ni Winwyn ay kapwa nila ito pinagdesisyunan, at walang third party involved.

Dumating lang daw kasi sa puntong hindi na raw healthy ang kanilang relasyon at stressful na ito. Kaya kapwa nilang napagdesisyunang tapusin na ito.

Naalala pa namin noon na iniyakan niya nang husto ang break-up nila ni Ynna Asistio. Ganundin daw itong kay Winwyn, dahil ang buong akala niya ay siya na talaga ang babaeng pakakasalan niya.

Kaya ngayon ay sa trabaho na raw muna siya mag-focus dahil nag-mature na rin daw siya at kailangang lalo pa niyang i-improve ang craft niya sa pag-arte.

Kasama ni Mark dito sa Bihag sina Max Collins, Jason Abalos, Neal Ryan Sese, Sophie Albert, at ang Kapuso child star na si Raphael Landicho.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with