^

PSN Showbiz

Male TV personality, nagbago ang porma dahil sa pag-ibig sa katrabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malaking-malaki na ang ipinagbabago ng porma ngayon ng isang male TV personality. Hindi na nagtatanong ang kanyang mga katrabaho, alam na nila ang dahilan, siya ang pag-ibig ngayon ng isang sikat na kasamahan nilang personalidad.

Sa halip na siraan-pintasan ang male TV personality ay maligaya pa nga ang kanyang mga kasama sa trabaho, maraming dahilan kung bakit, kuwento ito ng isang kasama nila sa show.

“Mabait kasi si ____(pangalan ng male TV personality). Wala siyang kayabang-yabang sa katawan. Napakasimpleng tao niya, marunong makisama, walang kaere-ere.

“Di ba, ang ibang personalities d’yan, e, bait-baitan lang sa umpisa, pero kapag nabibigyan na ng exposure, e, nagkakaroon na ng negative attitude?

“Para bang yumayabang na, masyado nang feeling, di ba? Pero itong male personality na ito, e, walang pagbabago kahit pa kilalang-kilala na siya ngayon.

“Tuwang-tuwa nga ‘yung isang kasamahan niyang female personality. Wala kasi ang PA niya, kaya mag-isa niyang dala-dala ang mga kagamitan niya para sa show.

“Nu’ng makita siya ng male TV personality, e, nilapitan siya agad, kinuha ang mga dala-dala niya, ihinatid siya sa dressing room. Ikinuwento siya ng female personality sa mga kasamahan nila.

“Ganu’n din pala ang experience ng iba pa niyang kasama sa show, ang male TV personality rin ang tumulong sa kanila, kaya naturalesa na pala niya ang pagiging mabait at matulingin,” kuwento ng aming impormante.

Ang lahat ng mga kuwentong ‘yun ay nakararating sa sikat nilang kasamahan, pero parang deadma lang ito nu’ng una, hanggang sa naagaw na ng male TV personality ang kanyang atensiyon.

“Kung ang ibang tao nga, e, tinutulungan nu’ng sikat na TV personality, ang love of his life pa ba naman ang pagdadamutan niya? Natural, hindi niya naman spoiled ang male TV personality, pero aminin natin ang totoo, tinutulungan niya ang family ng lalaki!

“Walang pagbabago ang male TV personality kahit pa nakasandal na siya sa pader ngayon. Mabait pa rin siya, matulungin, walang kayabang-yabang.

“Pinagpapala talaga ang mababait, sabi nga ng mga kasamahan nila sa show, inaani lang daw ng male TV personality ang bunga ng mga itinanim niyang kabutihan. Ay, ‘yun ang kuwento!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Todo pasasalamat sa Diyos, Richard nakapagsalita na pagka-opera

Naging matagumpay ang pinagdaanang thyroid surgery ni Richard Reynoso. Masayang ibinalita ng kanyang misis na si Amor at ng kanyang kapatid na si Kuya Gary na pagkatapos ng operasyon ay gising na gising ang magaling na singer.

Bago sila nagbalita tungkol sa sitwasyon ni Richard ay nagtawid muna sila ng pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal at sumuporta kay Richard sa haharapin niyang operasyon.

“With God’s awesome power, we’re expecting a 100% success of the procedure,” sabi pa ni Kuya Gary sa kanyang pasasalamat.

Lumiban muna sa trabaho ang misis ni Richard bilang flight stewardess, siya muna ang tinutukan ni Amor, na sobra-sobra ang pasasalamat sa mga kasamahan at kaibigang singers ng kanyang mister sa suportang ipinaramdam ng mga ito.

Isa lang naman ang hiling ni Richard, ang sana’y hindi makaapekto sa kanyang voice box ang pagtatanggal sa nodule na nakita sa ultrasound, pagkanta ang ipinambubuhay niya sa kanyang pamilya.

Sabi ni Amor, “God is good all the time, paglabas niya ng recovery room, nagsasalita na siya, although groggy pa siya. Napakabait ng Diyos, salamat talaga dahil nalampasan niya nang maayos ang operation.”

Maraming nagmamahal kay Richard Reynoso, matulungin siya sa kanyang mga kapwa singers na nagkakaroon ng problemang pampinansiyal, sila ni Renz Verano ang lumalapit sa amin kapag kailangan nilang magbuo ng isang benefit show na ang lahat ng kikitain ay ibibigay nila sa kasamahan nilang singer na may matinding pangangailangan.

Namimitas lang ng magandang bunga ng kanyang mga itinanim si Richard Reynoso. Makakabalik siya sa pagkanta na naging buhay na niya mula pa nu’n.

Isang mabilis na paggaling sa male singer na punumpuno na ng talento ay palagi pang nakatapak sa lupa ang magkabilang paa.

vuukle comment

RICHARD REYNOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with