Maine at Arjo
Arjo tinututukan si Maine hanggang sa pagpapaayos!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

Spotted si Arjo Atayde sa Sofitel Hotel kung saan naka-check in si Maine Mendoza para sa ginanap na Guillermo Mendoza Memorial Awards. Si Maine ang tumanggap ng Box Office Queen award.

Hanggang hotel lang diumano nakita si Arjo na malapit sa venue ng awards night, ang Star Theater. Doon daw kasi nagpaayos si Maine.

Nauna nang napabalita na mag-i-escort nga si Arjo kay Maine.

Anyway, sa ABS-CBN ang airing ng 50th Guillermo Mendoza Memorial Awards at ang tanong mapanood kaya ang accep­tance speech ng mga Kapuso actor / actress na nanalo ng award?

Aside from Maine, winner din sina Ma­rian Rivera, Dennis Trillo among others.

Strict ang mga network pagdating sa mga prime artist nila na lumabas sa kalabang network.

Or baka nga mas maluwag na ang ABS-CBN ngayon dahil pinayagan ng GMA si Alden Ri­chards na maka-partner ni Kathryn Bernardo sa pelikula na magso-shooting sa Hongkong.

Anyway, sina Daniel Padilla and Kathryn naman ang tumanggap ng  Phenomenal Stars of Philippine Cinema at ang pelikula nilang The Hows of Us ang binigyan ng Golden Jury Award for Highest Grossing Film of All-Time. Almost P1 billion na diumano ang kinita ng THOU at so far wala pang Tagalog film na nakakahabol kahit kalahati man lang sa kita nito na non festival movie.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with