Edu
Edu nahilig kumain sa karinderya na amoy langis!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

Patuloy na pinag-uusapan ang mga eksena sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Mahigit tatlong taon nang umeere ang serye kaya maraming mga karakter na ang nawala at nadagdag dito.

Ngayon ay inaabangan na rin kung paano mawawala ang karakter ni Edu Manzano bilang si President Lucas Cabrera. “Either I will go on a state visit when I leave, there will be a coup d’etat and I can never go back or I will be jailed. There are those who suggest that I hide in exhile. When I go around to campaign people in San Juan, they tell me, ‘Edu huwag kang papayag na patayin ka, tumakas ka na lang. Itatago ka namin dito sa San Juan, walang makakaalam,’” nakangiting kwento ni Edu.

Kumakandidato ang aktor bilang Congressman sa kanyang distrito sa San Juan para sa darating na eleksyon. Hanggang Biyernes na lamang umano mapapanood si Edu sa nangungunang teleserye. “Maybe I will tape until 12 noon on the 28th because we always do that, tape during the day and air the same night,” pahayag ng Edu.

Kapag wala na sa serye ay siguradong hahanap-hanapin daw ni Edu ang bonding nilang ginagawa kapag break time sa taping. “Instead of eating the food in the catering, after a while the food tastes the same. We discovered a non-air conditioned eatery beside a motorcycle repair shop near the area we’re taping. Kubo na may nagluluto ng masarap. Kahit amoy langis, we often eat breakfast and lunch there,” kuwento ng aktor.

Para kay Edu ay nakatagpo siya ng isang pamilya sa mga kasamahan sa serye dahil halos araw-araw silang magkakasama sa trabaho. “In Probinsyano, there’s a sense of family. You start to learn more about the people you work with, like John Arcilla, Franco Laurel and Gian Magdangal. They start to open up and share more about themselves,” pagtatapos niya.

Magpapatingin sa espesyalista, Sylvia hindi pa nakakawala sa role na may Alzheimer!

 Nahirapan si Sylvia Sanchez sa kanyang role sa pelikulang Jesusa na kalahok sa Sinag Maynila Film Festival 2019 sa susunod na buwan. Tumatak sa mga manonood ang karakter ng aktres bilang si Gloria na may Alzheimer’s disease sa The Greatest Love noong 2017. Sa bagong pelikula ay talagang hindi raw maihiwalay ni Sylvia ang dating karakter kaya nahirapan siyang gawin ito. “Kasi ‘yung utak ko do’n kailangan ko mag-off konti para ma-portray ko si Gloria. In-embrace ko 100% si Gloria eh na hanggang ngayon nakakalimot ako,” bungad ni Sylvia.

Ibang klaseng paghahanda raw ang ginagawa noon ng aktres para sa role bilang si Gloria. “Kasi hindi n’yo alam, sa nine months inere ‘yon, seven months na every weekend, nando’n ako sa isang lugar ng mga may Alzheimer’s. So that’s every week for seven days ginagawa ko ‘yon para ma-guide ako. Akala ko easy lang sa akin na bumalik ‘yung in-off ko pero until now, minsan sabi ko kailangan ko magpahinga,” paglalahad ni Sylvia.

Sa palagay ng aktres ay kailangan na rin niyang magpatingin sa isang espesyalista upang masuri ang kanyang kondisyon. “Actually naghahanap na ako ngayon. Kailangan ko ma-release kasi nadadala ko ‘yon. So kailangan ko tanggalin ‘yon,” pagbabahagi ng aktres.  (Reports from JCC)

EDU MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with