Heart
Mga painting ni Heart nasa plato na rin
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

Nasa homeware na rin pala ang mga painting ni Heart Evangelista.

Sa kanyang IG account, ini-upload niya ang plate na makikita ang painting niya. “My homeware line coming soon...”  caption ni Heart sa nasabing plato na cookie ang nakalagay at kamay lang niya ang makikita.

Wala pa lang banggit si Heart kung meron siyang collaboration sa big brand or sariling tatak na niya ito.

Nauna nang ipinakilala siya ng Kamiseta clothing as Creative Director si Heart kasabay ng launching ng scarf niya sa nasabing store na mas lumakas nang maging endorser siya.

Banggit nga pala ni Heart sa kanyang IG post, oras daw na magsimula na siyang mag-sketch, mas marami siyang naiisip na idea. “Once I start sketching, my creative juices just keep flowing! Here I am drawing new designs for @kamisetaph.”

Pero magkano nga kaya ang kinikita ni Heart sa mga fashion collaboration niya?

Marami-rami na siyang fashion collaboration ha.

Tatay ng aktor magdedemanda worth p250 million

Dapat nang maghanda ang mga basher ng isang actor. Nakikipag-usap na ang mga magulang nito sa mga abogado kung paano kakasuhan ang mga basher at ang new media platform na ginagamit ng mga basher. May ganitong kaso na kamakailan sa Amerika. Kinasuhan ng isang pulitiko ang isang social media platform ng halagang $250 million dahil diumano ay tino-tolerate ang pangba-bash sa nasabing pulitiko na similar na kaso sa actor at kung anu-anong masasamang salita ang ibinabato rito.

Ayon sa ikinaso ni pulitiko lumalabas na orchestrated effort ang nangyayari dahil nga hinahayaan ng nasabing platform na mag-create ang mga basher ng mga fake account na umaatake sa kanya.

Ang pakiramdam ng ama ng actor, ganito ang ginagawa ng mga basher ng anak niya.

So ang kakasuhan nila, hindi ang mga basher kundi ang mismong platform kung saan lumalabas ang matinding bashing. At plano nila, P250 million.

Naku pag nagkataon, maraming matutuwa rito.

Maraming artista ang biktima ng bashing na walang kalaban-laban dahil nga parang may financier ang mga basher.

Pinoy film companies bibida sa cannes filmfest

Nakikipag-ugnayan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Marche du Film para sa partisipasyon ng Pinoy film companies bilang Spotlight Country sa Cannes Producers Network ngayong taon na gaganapin mula Mayo 15 hanggang 21.

Kung maayos ng FDCP, mabibigyan ng pagkakataon ang Filipino production companies na ma-expose at makipag-network sa international partners.

Ang Marche du Film, ang pinakamalaking film market sa buong mundo, ay gaganapin kasama ng prestihiyosong Cannes Film Festival sa Cannes, France. Kabilang sa film market na ito ang Cannes Producers Network, isang exclusive producers-only event na nagtataguyod ng international film co-productions sa pamamagitan ng pakikipag-network sa international co-producers, sales agents, festival representatives, at film funding companies.

 Ang FDCP ang magiging sponsor sa limang (5) Filipino Spotlight Production Companies para maipakilala sa lahat ng international partners, pati na rin ang limang (5) Participating Producers na magkakaroon ng access sa networking events.

Para sa interesadong producers at mga kum­panya, ang deadline para sa submission ng applications ay sa Abril 3, 2019.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng aplikasyon, makipag-ugnayan sa FDCP.

Inaasahang mas kalidad na pelikula ang makakasali.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with