Loisa
Mga artista kinakawawa sa ‘sex video’!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

Kawawa naman ang mga artista na napaglalaruan sa social media. Imagine, may kakalat na video at kung sinu-sinong artista ang involved, sinasabi ito si artistang ganito o ganoon pero kadalasan naman kamukha lang ng mga artista.

Gaya nang bagong video na kumakalat na sabi nila, si Coleen Garcia at yung isa, si Loisa Andalio.

Wala naman assurance na sila nga ‘yon pero pinaniwalaan na ng iba. Kawawa hindi lang ang mga babae, pati na ang mga lalaki na ginagawan nila ng video scandal.

Dapat mahuli talaga ang gumagawa ng mga sex video dahil unfair. Hindi dapat kumalat, lalo pa kung hindi totoo. Kawawa naman ang mga apektado ng mga video scandal.

Mark hinihintay ang side sa hiwalayan nila ni Winwyn

Cast member si Mark Herras ng Bihag, ang coming soon afternoon drama series ng GMA 7.

Matagal nang hindi nakakausap si Mark ng mga reporter kaya looking forward sila na makakukuwentuhan ang aktor na kahihiwalay lamang sa kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez.

I’m sure, ang split up nila ni Winwyn ang itatanong kay Mark sa presscon ng Bihag dahil hindi pa naririnig ng public ang panig niya.

Si Winwyn lang ang nag-announce ng kanilang break up at nangyari ito sa presscon noon ng Time & Again, ang movie ng Regal Entertainment Inc.

Ang akala ng ibang mga tao, gimik para sa pelikula nina Winwyn at Enzo Pineda ang break up admission ng dalaga pero napatunayan na talagang hiwalay na sila ni Mark.

Kilala si Mark sa pagiging honest dahil lahat ng mga isyu na kanyang kinasangkutan noon, sinasagot niya.

Hindi nga natakot si Mark na aminin na ito ang starring sa isang leaked private video kaya hoping ang mga reporter na magsasalita siya sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Winwyn.

Marami ang nagulat sa break up ng dalawa dahil noong umpisa pa lamang ng kanilang relasyon, nagsalita na agad si Mark nang tapos na si Winwyn na ang last girl sa buhay niya as in sure na siya na ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez ang kanyang pakakasalan. What went wrong?

Hintayin natin ang pagharap ni Mark sa entertainment writers sa presscon ng Bihag dahil baka-sakali na magsalita siya at sabihin ang tunay na dahilan.

Beautederm bongga ang chemist!

Binigyan ka pala ni Rhea Tan ng perfume na regalo niya sa akin Salve. Meron kasi silang ginagawa na signature perfume para sa mga friends nila na binibigay ng Beautederm at isa ako sa binigyan ni bestfriend Rhea Tan.

Hindi ko na nga makita ang mga perfume, baka ipinagbili na naman ni Mel.

Hindi, actually noong Christmas, pinang-give away ko ang Lolit perfumes kaya naubos.

Cute siya Salve, magpagawa ka kay Rhea dahil maganda siya na pang-giveaway dahil maliit lang pero mabango.

Pero bongga ang toner nila na pang-peel off ha? Gina­gamit ko sa elbow ko na maitim dahil sa dead skin kaya med­yo mapusyaw na ngayon at hindi na poor Asian ang dating.

Magaling ang mga product ng Beautederm. Bongga mga chemist nila, at cute ang packaging. Igawa mo na Rhea, ng S perfume si Salve para give niya si Gorgy at Jun.

LOISA ANDALIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with