Christopher at Gladys
Gladys mas excited sa pagbibida ni Christopher!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

Ayaw lang ni Gladys Reyes na magpaka-stage wife, pero siya ang sobrang excited sa asawa niyang si Christopher Roxas na kinuhang magbida sa pelikulang Tabon na first-directorial job ni Xian Lim na entry sa Cinemalaya 2019.

Ikinuwento sa akin ni Gladys na matagal na palang magkaibigan sina Xian at Christopher. “Matagal na silang magkaibigan,” pakli ni Gladys.

“They have something in common; ang interest nila sa vintage cars, at nagkakasama pa sila sa gym.

“Kaya tuwang-tuwa ako nang nalaman ko na kinuha siya para sa movie na ididirek ni Xian. Akala ko nga, isa siya sa mga cast, hindi ko naman naintindihan agad.

“Sa totoo lang, marami na kasi talaga siyang nagawa sa Viva. Mas active pa nga siya. Mas marami pa siyang nagawa sa akin na movies last year from Viva, and this year na rin,” masayang pahayag ni Gladys.

“Nung tinawagan nga ako ni Xian na kasama ako sa movie na gagawin niya akong bida, hindi agad nag-sink in sa akin.

“Nung nag-meeting kami last February, tapos nag-start na ako mag-shooting, dun pa lang nag-sink in.

“Halos araw-araw nung nagsu-shooting na kami, nakakapagod lang pero maganda talaga ang mga eksena namin,” pahayag naman ni Christopher.

Kaya excited si Gladys na mapanood na ito dahil base raw sa mga kuwento ng asawa niya, parang maganda at iba raw talaga ang style ni Xian sa pagdirek ng pelikulang ito.

Aiko umayaw muna sa teleserye!

Isinakripisyo muna ni Aiko Melendez ang showbiz career niya para magbigay ng suporta sa kasintahan niyang si Subic Mayor Jay Khonghun na tumatakbong Vice Governor ng Zambales.

Kailangan lang daw niya ngayon ang mga araw na ito, hindi lang para tumulong sa pangangampanya kundi dahil sa hinaharap na isyu ngayon kung saan napasama ang boyfriend na pulitiko sa narco-list.

Kaya masama rin ang loob ni Aiko, dahil wala raw talagang basehan ang inaakusa sa kanyang kasintahan.

Kaya sa panahon ngayon, kailangan daw muna niyang samahan ito.

Humihingi siya ng pasensya sa taga-ABS-CBN 2 dahil hindi raw muna siya tutuloy sa bagong teleseryeng Sandugo.

Alam niyang tailor-made sa kanya ang role kaya hiyang-hiya raw siya.

“Nakita nyo na yung sa publicity shoot ng Sandugo, nandun na ako.

“Pero, hindi naman kasi nakita itong mangyayari, itong nangyayari ngayon sa sitwasyon namin ni Jay. So, I had to decline. Pasensya na po, and babawi po ako sa inyo,” mensahe ni Aiko na gustong ipara­ting sa bumubuo ng Sandugo at sa ABS-CBN 2.

Pagkatapos lang daw ng eleksyon, puwede raw siyang bumalik uli sa trabaho.

Si Vina Morales na ang ipinalit sa role na dapat para kay Aiko.

Nagkausap daw sila ni Vina, at sinabihan niyang dapat na tanggapin ito ng singer/actress dahil maganda yung project.

Masaya na raw siya para kay Vina, dahil sa kanya napunta itong project.

CHRISTOPHER ROXAS GLADYS REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with