Andrea
Andrea confirmed na kay Derek
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

SEEN: Sinuportahan ng Padilla family ang red carpet premiere ng Mystified sa Shangri-La Mall Cineplex noong Sabado. Dumalo si Lorna Tolentino, ang kanyang mga anak na sina Rap at Renz at ang apo niya na si Tori bilang suporta kay Karylle. Dumating din si Queenie Padilla at ang baby girl nito. Si Queenie ang former actress na anak ni Robin Padilla.

SCENE: Ang tatlong anak na babae nila ni Cesar Montano at ang boyfriend na si Macky Mathay ang kasama ni Sunshine Cruz sa premiere ng Mystified. Magiliw na ipinakilala ni Sunshine sa entertainment writers ang boyfriend niya. Si Sunshine ang kontrabida sa Mystified, ang iFlix movie na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri na Magsisimula sa March 29. 

SEEN: No show sa Mystified red carpet premiere ang direktor na si Mark Reyes dahil nasa Japan ito para sa kanyang birthday vacation. Nagpadala ito ng mga teddy bear gift para sa apat na bida ng Mystified.

SCENE: Hindi pa nagkikita nang personal sina Andrea Torres at Derek Ramsay. Si Andrea ang leading lady ni Derek sa The Better Woman, ang upcoming primetime drama series ng GMA 7 at unang television assignment sa Kapuso Network ng aktor. Ang The Better Woman ang plano na ipalit sa Love You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

SEEN: Opisyal na ipakikilala ngayong hapon ng GMA 7 ang cast ng Bihag, ang afternoon television series na tinatampukan nina Jason Abalos, Max Collins, Mark Herras at Sophie Albert. Balak ng GMA 7 management na ilagay ang Bihag sa timeslot pagkatapos ng Eat Bulaga.

ANDREA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with