Loisa
Loisa bidang-bida sa video na nilalapirot ang boobs?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 12:00am

Awa ang naramdaman ng karamihan sa Kapamilya young actress na si Loisa Anda­lio dahil siya ang tinuturo doon sa nag-trending na video scandal na kumalat nung nakaraang Sabado ng gabi.

Nasilip namin ang video na iyun na may ID na “Loisa’s Sunday” at may date na July 1, 2018.

Sa video ay ipinapakita ang babaeng parang kamukha nga ni Loisa, na nakalilis ang shirt at kagat-kagat nito habang nilalapirot ang malulusog niyang dibdib.

Meron pang kuhang dumidila-dila ito, kaya parang may ka-video chat siya.

Tanong ng karamihang netizens, kung si Loisa nga ito, si Ronnie Alonte nga raw kaya ang ka-video chat nito?

Masasakit ang komento ng iba, na ang iba ay parang tuwang-tuwa pa na nagtatanong kung sino pa ang gusto ng kopya ng video scandal na ‘yun.

Pero karamihan ay naaawa sa young actress at pinapayuhan nilang kakayanin niya ito.

Na-check namin ang Instagram account ni Loisa, at ang huling post niya kamakalawa lang ay nasa gym ito at nagba-boxing.

Karamihang komento sa post na iyun ni Loisa ay pinapalakas ang loob niya, na nandiyan pa rin daw sila para sumuporta sa kanya.

Meron ding pang-aalipusta pero mas marami naman ang nakakaintindi dahil nangyayari naman daw ito sa iba.

Meron ding nagsasabing hindi raw si Loisa sa video na iyun.

As of presstime, wala pang pahayag si Loisa kaugnay sa iskandalong ito. Wala ring inilabas na statement ang Star Magic. Mukhang palilipasin na lang nila ito, dahil iyun lang naman ang mas mabuting gawin; deadmahin na lang!

K may asong souvenir kay Chokie

Nakasama ko si K Brosas sa isang event sa Ormoc kamakalawa lang, na kung saan ipinagdiwang nina Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres ang International Women’s Day.

Sabi lang ni K, talagang siya pa raw ang kinuhang magpasaya sa pagdiriwang na ito ng mga kababaihan.

Hindi naiwasang maalala ni K ang bestfriend na si Chokoleit kapag nagpi-perform siya lalo na sa probinsiya.

Dapat daw kasi ay kasama siya sa Abra nung inatake si Chokoleit, pero hindi lang daw siya pinayagan ng It’s Showtime.

“Siguro kung nandun ako, baka hindi ko pinasampa sa stage yun. Alam ko may sakit yun eh. Di ba na-Pneumonia na nga siya? Na-hospitalize na yan, siguro mga three o four months ago?” kuwento ni K.

Nung nagsimula nga siyang mag-perform sa mga taga-Ormoc, nakita niyang may ambulansiya, humirit ito ng biro na wala naman dito si Chokoleit.

“Ako lang naman ang puwedeng magbiro nyan kasi magkaibigan kami, at ganyan ang style magbiro ni Chokie eh,” sabi pa ng singer/comedienne.

Alam ni K at bestfriends niyang sina Pokwang at Pooh ang mga biro ni Chokoleit, pero pikon na pikon sila sa nanggagamit sa kaibigan kahit namayapa na ito.

Nagpupuyos sa galit si K sa isang dealer ng networ­king na nag-post ng tinitindang health product na may litrato ni Chokoleit.

Sinabi roon na kung nagti-take daw ang komed­yante ng produktong iyun, hindi pa raw namatay yun.

Galit na galit si K na nag-react at sinasabihang tanggalin ang post na iyun. Sinundan din ng reklamo nina Pokwang, Pooh at pati si Kakai Bautista, pero ang ginawa nung dealer, tinanggal lang ang post nila. Kaya lalong nagalit si K.

Inireport na nila ito sa networking na kumpanya at sinasabi lang daw sa kanila na hindi lang daw nila ma-control ang ilang dealers nila.

Marami na rin ang nagalit sa nag-post na iyun, at dinagsa na sila nang pamba-bash. Pero pinag-iisipan na nina K na ireklamo ito at baka aabot pa sa demandahan.

Nasasaktan sila sa ganung panggagamit sa namayapang kaibigan.

Habang pinag-uusapan namin ito ni K, may ilang fans na nag-forward pa sa kanya ng isa pang post sa Facebook na kuha sa hospital na pinagdalhan kay Chokoleit.

Sinabihan na rin niyang tanggalin na niya ito, at sana maawa naman daw sila kay Chokoleit na nagagamit lang para magpasikat sa social media.

Sabi pa ni K, pagkatapos daw pumanaw ni Cho­koleit, lalo raw silang naging close na magkaibigan.

Ang isa pa sanang gusto ni K ay magparamdam daw sa kanya si Chokoleit.

“Hindi pa siya nagparamdam sa akin sa panaginip eh. Huwag lang sana yung nakakatakot ha?” napapangiti niyang pahayag.

Ang isa sa remembrance niya ngayon kay Cho­koleit ay ang tuta na ibinigay sa kanya. Pinangalanan niya itong si Chokie.

Hindi nga raw siya ganun kahilig sa aso, pero ngayon ay nami-miss daw niya tuwing nasa labas siya.

Ginawan nga raw niya ito ng Instagram account, at naloka siya dahil ang dami na raw agad na followers.

LOISA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with