Nadine
Nadine nahirapan sa pagsasalita ng Bisaya!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 12:00am

Palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikulang U­lan na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino. Masayang-masaya ang aktres sa magagandang feedback na kanyang naririnig mula sa mga nakapanood na nito.“Sobrang iba siya eh. Hindi siya ‘yung your usual na klase ng istorya. Hindi siya parang ‘yung simple na script lang,kakaiba siya talaga,” bungad ni Nadine.

Samantala, noong isang taon pa pinaghahandan ng aktres ang pelikulang Indak na tungkol sa pagsasayaw. Excited na si Nadine na mapanood ito ng kanyang mga tagahanga dahil sa kakaibang tema nito. “Indak is more on dancing. So parang musical ang dating niya. Very exciting din siya, kasama din do’n si Sam Concepcion and then the other Viva artists, Hashtag Vitto (Marquez), Nathan Eugenio, marami. Puro taga-Viva silang lahat and of course ‘yung G-Force kasama din namin,” pagdedetalye ng dalaga.

Ayon kay Nadine ay nahirapan siya sa bagong pelikula dahil kinailangan pa niyang mag-aral nang pagsasalita ng Bisaya rito. “Sobrang hirap niya actually. But there are parts in the movie na Bisaya talaga kami mag-usap ni Ms. Yayo (Aguila). Kasi siya ‘yung nanay ko sa movie. So meron kaming conversations na Bisaya pero limited lang. Kasi medyo mahirap nga siya. It talks about passion ng mga mananayaw sa Pilipinas, how passionate they are. But I’m not allowed to spill pa kasi baka masabi ko lahat eh,” nakangiting pahayag ni Nadine.

Cristine inamin na sa totoong nangyari sa kanila ni Ali!

Noong isang taon pa napabalitang nagkahiwalay na umano sina Cristine Reyes at Ali Khatibi. Nagsimula ang bulung-bulungan mula nang magpalit ng account name sa Instagram ang aktres. Mula sa @mrscristinekhatibi ay naging @cristinereyesss ang account handle ni Cristine.

Maraming mga larawan din umano ng aktres na kasama ang asawa sa Instagram ang binura na ni Cristine.

Sa ngayon ay nagkikita at nagkakausap pa rin sina Cristine at Ali para sa kanilang anak na si Amarah. “We’re civil. We’re in good terms, especially with thing we have to do when it comes to Amarah,” pagtatapat ni Cristine.

Mahigit tatlong taon nang kasal ang mag-asawa at para sa aktres ay kailangang mayroong gawin kapag hindi na masaya ang isang tao sa relasyon bilang mag-asawa. “Ideally it shouldn’t end, but it depends on the circumstances. But for me, if you’re not happy, you should do something about it,” makahulugang pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

 

NADINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with