Angelica
Angelica hindi nag-’spark’ nang maka-blind date ang pulitikong si bullet Jalosjos
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Parang wala ngang suwerte sa pag-ibig si Angelica Panganiban.

Mapa-showbiz o mapa-pulitiko, hindi siya lucky sa lalaki.

May naudlot palang ‘something’ sa kanya and Cong. Bullet Jalosjos na isa ring movie producer.

Nabuko ito nang tanung-tanungin ang pulitiko na nagpa-planong i-produce ang life story ng common-law wife ni Dr. Jose Rizal na si Josephine Bracken nang makipag-tsikahan sa ilang entertainment press kahapon.

Ang sister-in-law daw niya ang nag-set up ng blind date nila ni Angelica pero naging busy na sila pareho kaya hindi na nasundan ang nasabing ‘date.’ “Parang with our friends, friends of my sister in law and friends niya rin (Angelica).” That time single sila pareho “pero ‘yung schedule namin hindi nagtugma.”

Twice daw nagkaroon ng chance na magkita sila uli, pero hindi nga nangyari. So hindi na niya tinuloy dahil dalawang beses nga siyang hindi nakasipot na ang isa sa ocassion na ‘yun ay birthday ng actress na out of town ang celebration. “Sayang nga.”

So bakit hindi niya balikan si Angelica ngayon? Common knowledge na may pinagdaraanan ito sa kasalukuyan after ng sinasabing naudlot na balikan nila ng ex niyang si Carlo Aquino “Election kasi. Kailangan focus talaga and I have a girlfriend now,” sagot agad ng congressman. Ilang buwan pa lang daw ang relasyon nila ng Mut­ya ng Cabiao 2017 /  Ms. Philippine Islands 2018 na si Shannon Christie Kerver.

Recently lang ay nagkita sila ni Angelica pero obviously, walang ‘spark.’

Ang isa pang ‘crush’ ng pulitiko ay si Miss Universe Catriona Gray. Hindi pa raw ito Miss Universe nang makasama niyang mag-judge sa isang beauty pageant sa probinsiya.

Sobrang nagagandahan na raw siya noon pa kay Catriona pero ngayon duda siya kung mapapansin pa siya ng Pinay beauty queen.

Crush niya rin si Yassi Pressman na kino-consider niyang friend dahil mahilig din daw ito sa kotse.

Ex girlfriend naman si Cong. Bullet na anak ni Cong. Romy Jalosjos (70% owner ng TAPE Inc. na producer ng Eat Bulaga) sina Nancy Castiglione and Rufa Mae Quinto. “Yung kay Rufa Mae quick lang,” pag-amin niya na natatawa.

Anyway, nalugi pala siya ng P12 million sa una niyang pelikula, entitled Coming Soon. Nag-put up sila noon ng movie production (Brown Sugar Production) nina Ronald Singson, Boy 2 Quizon and Neil Arci. Pero pagkatapos ng nasabing pelikula, nagkaroon ng falling out ang grupo kaya hindi na rin niya namalayan na napunta na pala sa Viva Films ang pelikulang prinoduced nila starring Andi Eigenmann.

Ngayon ay may bago na siyang production group with Gab Valenciano and Dr. Mark Gan na kilala sa showbiz na may-ari ng mga dental clinic na malala­king artista ang endorser. 

By the way, he confirmed na business decision ang hindi pagma-manage noon kay Kris Aquino ng TAPE Inc.

Marami rin siyang friend na artista like Dingdong Dantes dahil sa pagmo-motor. Aside from being a congressman, sports enthusiast din siya and a drummer.

Bata pa siya nang makulong ang ama niyang si former  Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos dahil sa kasong statutory rape. He was only 18 nang hatulan ng guilty at makulong ng 12-years sa New Bilibid Prison sa kasong rape sa 11-year old girl ang tatay niyang lumalakas daw tuwing may election.

Third termer congressman si Bullet ng 1st District of Zamboanga del Norte at ngayon ay kumakandidato siyang governor kung saan natalo sa nasabing position ang kanyang ama last election.

 

ANGELICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with